Well-funded troll campaign na suportado ng drug syndicates, POGOs para i-derail ang Quad Comm probe
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
KINONDENA ng lead chair ng House Quad Committee ang lumilitaw na well-funded at nagkakaisang o orchestrated troll campaign na umano’y pinopondohan ng illegal drug syndicates at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para papanghinain ang ginagawa nitong imbestigasyon.
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang naturang kampanya na naglalayong siraan ang kredibilidad ng panel at takutin ang mga saksi na nagbunyag sa koneksyon sa pagitan ng illegal drugs, korupsyon at POGOs.
“Patuloy ang paninira ng mga trolls na bayad ng POGO at drug money, sa mga miyembro at mga taong tumetestigo rito. Katakataka na napakalaki ng puhunan na umiikot sa mga trolls na halatang inaalagaan ng mga nasasaktan sa mga bagay na nauungkat sa mga pagdinig natin dito, kabilang na marahil ang mga malalaking pangalan na nagpoprotekta sa mga iligal na droga at POGO,” pahayag nito.
Dismayado ang mambabatas, chairman ng Committee on Dangerous Drugs, sa mga pagtatangka na siraan ang reputasyon ng Quad Comm na ang pangunahing layunin ay ipalabas lamang ang katotohanan.
“Kung kaya hinihikayat namin ang ating mga kababayan na humarap, magsalita at magbigay ng kanilang impormasyon na may kinalaman sa usaping tinatalakay namin dito,” panawagan ng kongresista.
Nadiskubre ng Quad Comm ang ebidensiya na nagsasangkot sa illegal drug trade sa POGO operations, tulad ng kung papaano ginagastusan at dumaan ang drug money sa sugal.
Aniya, ilang bahagi ng kinikita sa drug trade ay ginagamit para suhulan ang ilang government officials, bumili ng lupa at magbigay proteksyon at pekeng pagkakilanlan sa nasabing operasyon.
“The money flow from this drug trade is being used to acquire landholdings, influence and corrupt government officials and employees who conspire with drug traders in offering protection and fake identities, that undermine the security of our country. We were shown how the money was being laundered into the POGOs and used to fatten the wallets and pockets of the protectors in government,” dagdag ni Barbers. (Vina de Guzman)
-
4.5 milyong pasahero dadagsa sa mga terminal, airports sa Undas
AABOT sa 4.5 milyong mga pasahero ang dadagsa sa mga bus terminals, airports at seaport ngayong Undas. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nasa 3 milyong pasahero ang dadagsa sa airports at seaports habang nasa 1.5 milyon sa mga bus terminals. Mas mataas ito ng 20 hanggang 30 porsyento sa karaniwang bilang […]
-
Mga taong may altapresyon o highblood, pinaalalahanan ni Dr. Bravo
PINAALALAHANAN ni Philippine Foundation for Vaccination executive director Dr. Lulu Bravo ang mga taong may hypertension bago pa magpaturok ng bakuna laban COVID-19. Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Dr. Bravo na bago pa pumunta sa vaccination centers ang taong may altrapresyon ay kailangang siguraduhin nito na ang kanyang blood pressure ay […]
-
Ads November 16, 2023