• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Westbrook: ‘Gagalingan ko ang pag-asiste sa laro ni Anthony Davis’

Tiniyak ni Russell Westbrook na mas matindi ang ibibigay niyang suporta sa big man ng Lakers na si Anthony Davis.

 

 

Ginawa ni Westbrook ang pahayag matapos ang kanilang first official practice.

 

 

Ipinagmalaki ni Westbrook na walang katulad si Davis sa NBA ngayon na maraming nagagawa ang size nito.

 

 

Kaya naman bawat araw, bawat game ay aasiste raw siya para ma-push pa ang impact ni Davis sa kanilang kampanya ngayong season.

 

 

Kung maalala noong huling season ay nakitaan ng “worst percentage” sa performance si Davis at nadagdag pa ang injury.

 

 

“There’s nobody like him who can do everything he’s able to do at his size,” ani Westbrook. “And my job is to make sure I continue to push him each day, each practice, each game.”

 

 

Bilang reaksiyon, natuwa naman si Davis sa pahayag ng kanilang bagong pointguard na dati ring NBA MVP.

Other News
  • Pagpasok ni SHARON sa serye ni COCO, mukhang matatagalan pa dahil naka-quarantine pa ang buong cast

    MAGANDANG balita sa mga fans ni Megastar Sharon Cuneta na magkakaroon siya ng guest role sa action series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.      Naiinip na kasi silang mapanood umarte sa TV si Sharon.  Pero may mga nagtatanong din kung totoo ba iyon dahil ang alam nga nila ay gagawa ng sariling […]

  • Asian Athlete of the Century si ‘Pacman’ KINILALA si Manny Pacquiao bilang numero unong atleta sa buong Asya nga­yong 21st century, ayon sa prestihiyosong Top 25 Asian Athletes ng ESPN.

    Pinunto ng ESPN ang walang kaparis na achievements ni Pacquiao sa bo­xing, kung saan isa siya sa maituturing na pina­kamaga­ling sa buong mundo kaya nararapat lang na maging No. 1 sa Asya. Hanggang sa ngayon, ang tinaguriang Pambansang Kamao na si Pacquiao pa lang ang natatanging fighter sa kasaysayan na naghari sa 8 magkakaibang weight […]

  • P2 taas pasahe sa jeep, aprub na ng LTFRB

    INAPRUBAHAN  na ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng mga drayber na P2 dagdag na pasahe sa jeep sa buong bansa.     Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.     Dahil dito, nasa P11 na ang minimum na pasahe sa traditional jeep, habang […]