• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WHO director Tedros muling nahalal sa puwesto

MULING nahalal sa bilang director ng World Health Organization (WHO) si Tedros Adhanom Ghebreyesus.

 

 

Ito na ang pangalawang termino niya matapos ang procedural vote na siyang magiging solong nominado sa gaganaping leadership election sa Mayo.

 

 

Siya ang itinuturing na unang African leader na namuno sa WHO.

 

 

Sinabi nito na labis siyang nagpapasalamat sa mga sumuporta sa kaniyang programa.

 

 

Halos lahat ng 34 miyembro na kumakatawan sa iba’t-ibang bansa ang nagbigay ng suporta sa kaniyan na mamuno muli sa WHO.

 

 

Ilan sa mga hindi nakadalo sa botohan ang Tonga, Afghanistan at East Timor.

 

 

Dahil dito ay inaasahan na uupo uli siya para maging director-general ng WHO sa halalan na gaganapin sa Mayo kung saan boboto ang 194 WHO member states.

 

 

Ang 56-anyos na WHO head ay dating Ethiopian minister of health at foreign affairs.

 

 

Umani ito ng papuri sa paghawak niya ng COVID-19 pandemic.

Other News
  • Basketball rings sa QC, pinagbabaklas

    DAHIL sa paglaganap ng coronavirus o COVID-19 sa bansa ay pinatanggal na ni Mayor Joy Belmonte ang mga basketball ring sa iba’t ibang barangay sa Quezon City.   “Tinanggal ng mga punong barangay namin ang lahat ng mga basketball ring sa covered courts para siguradong hindi sila mag-basketball at kung ano pang mga hindi nila […]

  • AGA at CHARLENE, nakararanas ngayon ng “empty nest syndrome” dahil sa pag-alis nina ANDRES at ATASHA

    KINILIG ang maraming netizen sa paglabas ng behind-the-scenes photos nila Jennylyn Mercado at Xian Lim sa lock-in taping ng teelseryeng Love. Die. Repeat.     Bagay na bagay nga raw sina Jen at Xian na magtambal at kita mo na agad ang chemistry sa kanilang dalawa. Kunsabagay, si Jennylyn naman ay bumabagay sa lahat ng […]

  • Mojdeh hataw pa ng 3 ginto sa Iloilo

    WALANG makapigil sa matikas na kamada ni Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh nang sumisid pa ito ng tatlong gintong medalya sa 2022 National Invitational Sports Competition kahapon sa Iloilo Sports Complex.     Binuhat ni Mojdeh ang Calabarzon Region sa matikas na kampanya nito matapos masikwat ang gintong medalya sa girls’ 400m IM […]