• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘WHO nagpalit ng protocol; magdaragdag ng gamot sa Solidarity Trial’ – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may madagdag na isa pang off-labeled drug sa isinasagawang Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) sa mga gamot na posibleng epektibo laban sa COVID-19.

 

“Binago rin yung protocol, may bagong gamot na madadagdag, but we will be informing all of you kapag na-finalize na yung protocol. Pero may arm ng isang gamot na idadagdag for that,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

As of September 7, mayroon na raw 1,009 moderate at severe COVID-19 cases ang ginagamitan ng gamot na remdesivir at interferon sa 24 na study sites sa National Capital Region, Baguio, Batangas, Cebu at Davao.

 

Katunayan, may paparating pa raw na higit 1,000 na dagdag vials ng nasabing mga gamot sa bansa mula WHO.

 

“Mayroon na ring new shipment ng remdesivir ay parating at interferon, nasa proseso na sila. This will be the third shipment of remdesivir to our country where we are going to receive 1,000 vials from WHO.”

 

Kung maaalala, ipinahinto ng WHO ang paggamit sa hydroxychloroquine at lopinavir/ritonavir bilang treatment drug dahil sa nakitang hindi magandang epekto nito sa ilang ginamitan abroad.

 

Samantala, hinihintay pa raw ng DOH ang pirma nina Health Sec. Francisco Duque at UP Manila chancellor Carmencita Padilla sa clinical trial agreement ng isa pang gamot na Avigan. Pati na ang pirma ng Philippine Council for Health Research and Development sa pondo ng trial.

 

Nabisita na raw ng mga opisyal ang itinakdang sites ng trial. Nakapagbigay na rin ng tableta ang kagawaran at nakapagsagawa na ng dry run.

 

“Hopefully with all of this, na talagang for signatures na lang, sana we can start for the coming days.”

 

Kabilang sa trial sites ng Avigan ang Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at Quirino Memorial Medical Center.

Other News
  • Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

    NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19. […]

  • Fajardo lalaro pa rin para sa ‘Pinas

    PATUNGO na sa United States 41st National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021-22 Division I school na Fairleight Dickinson University Knights si Ella Patrice Fajardo, pero tiniyak nahindi niya tatalikdan ang paglalaro pa rin para sa Gilas Pilipinas sa hinaharap.   “Honestly, the feelings that I have for the Philippines like I know for a fact that […]

  • DOLE naglaan ng P100-M para sa free COVID-19 testing sa mga newly-hired employees

    NAGTALAGA ng nasa Php100 milyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang programa libreng COVID-19 testing sa mga bagong hire na manggagawa.     Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na layunin nito na bawasan ang bigat ng pasanin ng mga kababayan nating newly -hired jobseekers sa iba’t ibang sektor.   […]