WILLIE, kinukumbinsi pa rin ni President DUTERTE na tumakbong Senador
- Published on June 17, 2021
- by @peoplesbalita
KINUKUMBINSI pa rin ni President Rodrigo Duterte na tumakbo si Willie Revillame sa darating na national elections.
Patuloy ang panliligaw ng Pangulo kay Kuya Wil na tumakbong Senador para mas marami pa siyang matulungang Filipino.
Naniniwala kasi si Pangulong Duterte sa kakayahan ng tv host na makapagserbisyo sa buong bansa dahil sa pagmamahal at malasakit niya madlang pipol, na kitang-kita naman sa ‘Tutok To Win’ ng Wowowin sa rami ng kanyang natutulungan.
Sa video message, sinabi ng Pangulo na susuportahan niya si Willie sakaling pumayag ito na tumakbong Senador sa 2022 Election.
“Willie, si mayor ‘to. Kumusta ka?,” panimula ng Presidente.
“Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka.
“Sabi ni Bong (Go) nagdadalawang-isip ka. Pero ganu’n pa man open ‘yung slot until the last minute.
“Kung ayaw mo na talaga eh, ‘di pwede na tayong mag-usap ulit.”
Sabi pa ni PDU30 sa huling bahagi ng video, “but in the meantime, more success sa programa mo. Bilib ako sa appeal mo sa masa. Mabuhay ka!”
Wala pang sagot dito si Kuya Wil, pero karamihan sa netizens ay tutol na pasukin niya ang pulitika, mas okey daw na maging private citizen na lang na tahimik ang buhay, dahil marami pa rin naman siyang matutulungan kahit hindi siya maging Senador.
***
ANG pinakamalaki at pinakaprestihiyosong animation festival sa buong mundo, ang Annecy International Animation Film Festival sa France mula Hunyo 14 hanggang 19, ay may malakas na representasyon mula sa Pilipinas na may pinakamalaking delegasyon ng bansa na pinamumunuan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Kasama ang kauna-unahang competing film mula sa Pilipinas, apat na projects, at higit sa 50 na animation workers mula sa 29 na animation studios.
Ang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story ni Avid Liongoren ay napili bilang kauna-unahang pelikulang Pilipino na kasama sa kompetisyon sa Annecy.
Ang unang Filipino Netflix animated film ay project ng First Cut Lab 2019 na isinagawa ng FDCP at Tatino Films. Ang pelikula ay tungkol sa pusang si Nimfa na naghahanap ng tunay na pag-ibig at kaligayahan at dapat pumili sa dalawang aso sa kaniyang buhay.
Sa Marché international du film d’animation d’Annecy (MIFA) o Annecy International Animation Film Market, tatlong Philippine projects, kasama ang projects mula sa Malaysia at Thailand, ay kasama sa ASEAN Pitch noong Hunyo 15.
Ang mga ito ay Ella Arcangel ni Mervin Malonzo, Kampilan ni Cris Dumlao, at Hayop Ka! Universe ni Manny Angeles.
Ang Ella Arcangel ay isang series tungkol sa isang batang babae mula sa slums ng Maynila na nakikipaglaban sa mga halimaw upang protektahan ang kaniyang komunidad, at malalaman niyang may mga bagay sa mundo na mas masahol pa kaysa sa mga halimaw.
Kampilan, na nakapag-pitch sa virtual na Kre8tif! Conference at Content Festival sa Malaysia noong 2020, ay pelikulang tungkol sa isang prinsipeng nahaharap sa isang paparating na banta.
Sa tulong ng kaniyang mga tapat na kaibigan, kailangan niyang gumawa ng paraan upang mailigtas ang tribo at mapanatili ang kanilang pamumuhay.
Tampok sa Hayop Ka! Universe ang spin-off at sequel ng Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. Ang spin-off na series na Papa Jorge’s Bedtime Radio Confessions ay tungkol sa love doctor sa radyo na si Papa Jorge habang ang sequel na pelikulang The Jerry Action Bonanza: Hayop Ka Din! ay tungkol sa isang baguhang security guard sa museum na nakikipaglaban sa mga magnanakaw at goons ng kaniyang sariling amo.
Ibabahagi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño ang film incentives programs ng pambansang ahensya ng pelikula sa ASEAN Pitch in MIFA, isang mahalagang kaganapan para sa co-production, purchasing, selling, financing, at distributing content para sa lahat ng broadcasting platforms na dinadaluhan ng 13,000 na industry professionals. Pag-uusapan naman ni FilmPhilippines Incentives Unit Manager Mil Alcain ang Film Location Incentive Program (FLIP) at International Co-production Fund (ICOF).
Samantala, ang Rage Radio ni Mark Lenard Mendoza na produced ng Friendly Foes Studio ay bahagi ng Partners Pitches: Southeast Asia Focus @MIFA 2021 kasama ang projects mula sa Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam. Inorganisa ng French Embassy in Singapore at MIFA ang Southeast Asia Focus para bigyan ng pagkakataon ang emerging talents na makakuha ng funding, work collaborations, at co-production deals para sa kanilang projects.
Ang FDCP, na nagsagawa ng Open Call for Animation Projects, ang namumuno sa Philippine Delegation sa Annecy.
“Boosting the animation industry has been part of the FDCP’s priority programs since 2017. Through our participation in Annecy, we aim to expand the already thriving service sector of the animation industry and elevate the skills of animation workers through participation in various conferences and workshops in MIFA,” sabi ng FDCP Chairperson at CEO.
“We also seek to continue to support the global track of original Filipino Intellectual Property (IP) creations by giving them a platform to find industry partners in MIFA. Additionally, we wish to explore further the potential of the Filipino comics community by providing a space for them to promote their IPs in MIFA, especially with the recent success of ‘Trese’ in Netflix,” dagdag pa niya.
Kasapi rin sa MIFA ang record-breaking na bilang na higit sa 50 na Filipino animation workers mula sa 29 na kumpanya at organisasyon, na pinagtipun-tipon ng FDCP para ipamalas ang iba’t ibang sektor ng Philippine animation industry. Hindi lamang sa Manila galing ang animation workers dahil mayroon ding representatives mula sa Cordillera, Cebu, at Davao.
Ang Philippine delegates ay mula sa Animation Council Of The Philippines, Inc. (ACPI), Philippine Animation Workers Association (PAWA), SIKAP (Creative Content Creators Association of the Philippines), Animation Vertigo Asia, Inc., Amaya Films, Ateneo De Naga University – Digital Arts And Communication, Blissful Fun Animation, Inc., Clayshop Inc., De La Salle – College of Saint Benilde, Enigma Kai, Friendly Foes, IAcademy, Ikigai Animation Studio, Kampilan Productions, Kino Arts, at Komiket Inc.
Bahagi rin sa mga kalahok na kumpanya at organisasyon ang Luminait Pictures Inc., Meowsmouse, Toon City (Morph Animation Inc.), Puppeteer Animation Studios Inc., Rocketsheep Studio, Silver Media Group, Storykitchen Animation Studio, Studio Nonego, Teamapp, Inc., Toei Animation Philippines Inc. (TAPI), Top Peg Animation And Creative Studio, Inc., Twenty Manila, at VPF Creative Marketing Communications.
Magkakaroon ng access ang delegates sa MIFA database, virtual stands at pavilions, online meeting platforms, Matchmaking, Work in Progress, Masterclasses, Pitches, Partners Screenings, at Mifa Campus.
(ROHN ROMULO)
-
Pinas, handa na sa pagtanggap ng mga fully vaxxed foreign tourists-DOT
HANDA na ang Pilipinas na tumanggap ng mga fully vaccinated international travelers simula sa Pebrero 10, 2022. Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na naghahanda na ang sektor para sa kaganapang ito simula nang isara ang mga borders noong 2020. Dalawang taon sa pandemya, sinabi ni Puyat na karamihan sa mga […]
-
Ads September 28, 2023
-
OVP, dinepensahan ang confidential expenses, good governance fund
DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal. Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Reynold Munsayac na ang P2.2-billion good governance fund ay inilaan para sa public assistance, gaya ng basic social services, medical at burial assistance, “Libreng […]