WILLIE, nagpahiwatig sa post na posibleng iiwanan na ang daily show; ipagpatuloy sana ng GMA
- Published on July 12, 2021
- by @peoplesbalita
TIYAK na ikalulungkot ng mga fans ni Willie Revillame at mga tagasubaybay ng daily program na Wowowin, kung iiwanan na niya ang show, tulad nang ipinahiwatig niya sa kanyang post.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang sinabi niya na may matindi siyang pinag-iisipang desisyon, pero sana raw ay ipagpatuloy ng GMA Network ang ganoong show na tutulong sa marami nating mamamayan na nangangailangan.
May mga nagtatanong kung may sakit daw ba si Willie, dahil noong isang araw na nag-report siya sa show, sinabi niyang paggising niya ng umaga, wala na siyang boses, kahit anong pilit niyang magsalita, walang boses na lumabas, kaya maghapon daw siyang hindi nagsalita, at nagpasalamat siya sa Diyos na nang mag-report na siya sa show ay may boses na siya.
Isa rin kaya sa pinag-iisipan ni Willie ay kung tutuloy siyang kumandidato sa darating na Election 2022?
Matagal na kasi siyang kinakausap ni President Rodrigo Duterte, na kumandidato sa kanilang partido.
Kaya, hintay-hintay na lamang tayo sa magiging final decision ni Willie, kung anuman iyon, ay tiyak na sa ikabubuti ng kanyang mga kababayan.
***
KATATAPOS lamang nag-renew ng contract niya si Kapuso actress Max Collins sa GMA Network at sa GMA Artist Center.
At sinagot na rin niya ang tanong kung hiwalay na sila ng asawang si Kapuso actor Pancho Magno. Napapansin kasi ng mga netizens na hindi na tulad nang dati na laging nagpo-post sina Max at Pancho sa kani-kanilang Instagram account.
Madalas din laging sina Pancho at ang one-year old son nilang si Skye ang magkasama sa picture. Nag-post si Max ng picture nila ni Skye nang mag-celebrate ng birthday ang anak last July 7, wala si Pancho dahil may work ang actor.
Ayon kay Max, nagdesisyon sila ni Pancho na gawing private na ang buhay nila kaya inihinto rin nila ang kanilang vlogs. Nagpasalamat din si Max na nagkaroon siya ng very supportive husband na naiintindihan kung ano ang gusto niya sa kanyang career.
Sa ngayon ay naka-lock-in taping na siya muli ng upcoming teleserye nilang To Have And To Hold na makakasama niya sina Rocco Nacino at Carla Abellana.
Sexy nga ba ang role na gagampanan ni Max sa serye?
***
NAPAPANOOD na sa The World Between Us na sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smth at Tom Rodriguez ang gumaganap sa role nila bilang sina Louie, Lia at Brian, respectively, at magaganda ang feedbacks ng acting nila sa mga netizens.
Kasabay na rin na tumanggap ang show ng positive feedbacks sa pilot episode na isa sa pinuri nila ang cinematography.
sabi ni @itsmeDan, “lupet ng cinematography at video editing ng pagkabundol scene (ni Glydel Mercado), iba kayo!” @Cade “my mom was watching this new Kapuso series when I enter our house. And guess what? Namangha at nagulat ako because of its cinematography! “It’s like I am watching some K-drama series. It was awesome for its pilot episode. Kudos to GMA and actors!”
Sabi naman ng iba, “movie feels and the texture I like,” “can we talk about the motion graphic intro ng #TheWorldBetweenUs, ang ganda!” “pwede nang makipagsabayan sa Kdramas, pang-Netflix ang dating, yung tipong maipagmamalaki mo na gawang Pinoy.”
Nagpasalamat ang production sa patuloy na magagandang feedbacks na natatanggap nila.
Napanonood ang TWBU gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras.
(NORA V. CALDERON)
-
LTFRB naghihintay pa ng pondo sa fuel subsidy ng PUVs
NAGHIHINTAY pa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM) na gagamitin sa fuel subsidy ng drivers para sa mga public utility vehicles (PUVs). Ayon sa LTFRB na kanilang ibibigay ang fuel subsidy kapag nakuha na nila ang pondo para dito. […]
-
Education aid payout, generally smooth
“GENERALLY smooth” ang ginawang distribusyon ng educational assistance sa mga estudyanteng benepisaryo sa Department of Social Welfare and Development-designated payout centers na nagpatuloy, araw ng Sabado, Agosto 27 maliban lamang sa mga “isolated hitches” o hadlang sa ilang lugar sa bansa. Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Rommel Lopez na “generally smooth” ang […]
-
Valenzuela City at Tanauan City, lumagda sa Sisterhood Agreement
UPANG higit pang palawigin at patatagin ang alyansa sa pagitan ng Valenzuela City at Tanauan City, pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian at Mayor Nelson Collantes ang paglagda sa sisterhood agreement na ginanap sa Tanauan City Hall. Sa bisa ng Resolution No. 2610, Series of 2023, na ipinasa ng Valenzuela City Council at Resolution […]