• March 18, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Willie Revillame, naipamigay na ang P5M ayuda para sa higit 3,000 jeepney drivers

Maayos na naipamahagi ni Willie Revillame ang limang milyong pisong ayuda para sa jeepney drivers ngayong Miyerkules ng tanghali, August 19.

 

Personal itong inasikaso ni Willie.

 

Sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tinipon ang transport leaders at jeepney drivers na hindi miyembro ng kahit anong transport group.

 

Nakatanggap ng PHP1,449,500 ang Pasang Masda, na tinanggap ng kanilang leader na si Ka Obet Martin.

 

Ang grupong ALTODAP naman na pinamunuan ni Boy Vargas ay nakatanggap ng PHP1,132,500.

 

Nabigyan din ang isang grupo ng mga  jeepney drivers ng PHP342,000, at ang mga driver na may biyaheng Tandang Sora-Visayas Avenue ay tumanggap ng PHP298,500.

 

Bukod sa perang ipinamahagi, namigay rin si Willie ng dalawang libong sakong bigas na pinaghati-hatian ng jeepney drivers. Binigyan din niya ng jacket ang lahat ng nandoon sa LTFRB central office.

 

Ayon sa LTFRB, umabot sa 3,211 jeepney drivers ang nakinabang sa ayudang ipinamahagi ng Wowowin host.

 

Sabi naman ni Willie, ang pagtulong na ito para sa PUJ drivers ay mula sa kanyang sariling ipon. Ibinahagi ito ng TV host dahil alam daw niya ang nararamdaman ng mga mahihirap.

 

“Sa bawat success ko, sa bawat baytang ng buhay ko, hindi ko makakalimutan yung masa, yung mahihirap. Inangat ninyo ako.

 

“Kung anong meron ako, galing din po sa inyo iyan,” bahagi ng pahayag ni Willie sa harap ng mga jeepney drivers at iba’t ibang transport leaders.

 

Nangako si Willie na sa susunod na buwan ay mamimigay siya uli ng limang milyong piso para sa bagong batch ng jeepney drivers.

 

“Sana, all.”

 

Emote iyan ng ibang jeepney drivers na hindi kasama sa unang batch ng nabiyayaan ng ayuda ni Willie.

 

Salamat at may second batch pa ng jeepney drivers na makatatanggap ng ayuda.

Other News
  • Eala keber maging mukha ng Philippine lawn tennis

    WALANG kaba kay Women’s Tennis Association WTA) rookie Alexandra ‘Alex’ Eala ang na maging mukha ng sport sa ‘Pinas sa lalong madaling panahon o maging kasing sikat ni eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa men’s professional boxing.     “I don’t see it as pressure, honestly,” tugon ng 15-anyos, tubong Quezon City at PH […]

  • 2 most wanted sa rape at murder, timbog sa Caloocan at Valenzuela

    INANUNSYO ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang pagkakaaresto sa dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Col. Peñones, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section […]

  • Vax certs ng 8 bansa nadagdag sa kikilalanin ng Pinas

    WALO pa ang nadagdag sa listahan ng mga bansa na kinikilala ng Pilipinas ang vaccination certificates laban sa COVID-19.     INIHAYAG ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang pagtanggap sa vaccination certificates ng mga biyaherong manggagaling sa Egypt, Maldives, Palau, […]