• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Willing na makatrabaho uli si Nora: VILMA, nakatanggap ng nominasyon bilang ‘National Artist’

NAKATANGGAP ng nominasyon si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto para maging bahagi ng next batch ng mga tatanggap ng National Artist.

 

 

Kinumpirma ng Cultural Center of the Philippines na kabilang si Vilma sa mga nominado ng National Artist, ang buong listahan nito ay magiging available sa katapusan ng Hunyo.

 

 

Deadline ito para sa mga nominasyon, ngunit hindi ito iaanunsyo sa publiko. Ang mga nanalo naman ay kanilang ipaalam
Ang naghain ng nominasyon ang Aktor PH (League of Filipino Actors), ang organisasyon ng mga aktor na Pilipino na pinamumunuan ni Dingdong Dantes. Ang naturang nominasyon ni Vilma sa pinakamataas na karangalan para sa isang alagad ng sining ang pagkilala ng Aktor PH sa mga kontribusyon ng aktres sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng anim na dekada.

 

 

 

Sa pamamagitan ng nominasyon ng Aktor PH kay Vilma sa National Artist award, ipinagdiriwang ang kanyang walang hanggang pamana, pambihirang versatility, at makabuluhang kontribusyon sa sining at kultura ng Pilipinas.

 

 

 

Ang Order of National Artist (ONA), na itinatag noong 1972, ay kumikilala sa mga Filipino na gumawa ng mga mahalagang kontribusyon sa pagsulong ng Philippine arts and letter, iginagawad ito kada apat na taon.

 

 

 

Nagpahayag noon ni Vilma na ang National Artist award na ipinagkaloob sa kapwa aktres na si Nora Aunor ay “the highest” honor na matatanggap ng isang artista.

 

 

 

“Alam mo, if it’s meant for you, it’s meant for you,” say ni Vilma nang tanungin kung gusto rin niyang maging National Artist.

 

 

“‘Pag hindi napunta sa’yo, it’s not meant for you. So d’un sa mga nabigyan, it’s meant for them, like ‘yung kay Ate Guy. So kung meron akong space d’yan, darating ‘yung panahon na ‘ yun, para sa akin na ‘yun.”

 

 

Inamin din ni Ate Vi sa interview na willing siya to work again with Nora, basta maganda at right material, “If we can offer something new and something different, why not? Lalo na sa edad namin ngayon, ‘di ba?”

 

 

Samantala, nominado si Ate Vi sa The 7th EDDYS sa July 7, na gaganapin sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, New World Resort sa Pasay City.

 

 

Makakalaban niya sa Best Actress category sina Marian Rivera, Kathryn Bernardo, Charlie Dizon, Julia Montes, at Maricel Soriano.

 

 

***

 

 

SA June 29, 2024 ay makipag-rakrakan, kantahan, at sayawan kasama ang ilang mga sikat na performers, banda at dancers sa CC6 Music Fest 2024.

 

 

Pangungunahan ang naturang concert ng Rocksteddy, Mayonnaise, at Ilan pang mga banda.

 

 

Kasama rin ang social media influencer na si Lai Austria, Sexbomb New Gen, Showtime Dancers at iba pa.

 

 

Handog ito ng CC6 and JAF Digital, free admission at marami pang sorpresang handog ang CC6 sa mga masugid na manonood. May mga giveaways and raffle prizes din.

 

 

Kaya sugod na sa VISTA Mall Concert Grounds, Tanza, Cavite ngayong June 29, 2024, Sabado. Magbubukas ang gate sa ganap na ala-una ng hapon.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gonzales, Rungkat umabot sa double quarterfinals sa Japan tournament

    Nagwagi sina fourth seeds Ruben Gonzales ng Pilipinas at Christopher Rungkat ng Indonesia sa kanilang opening-round doubles match sa Unicharm Trophy Ehime International Tennis Open sa Matsuyama, Japan noong Miyerkules.   Sina Gonzales at Rungkat na nakabase sa US ay nag-rally kay Rinky Hijikata ng Australia at Yu Hsiou Hsu ng Chinese Taipei, 6-4, 3-6, […]

  • BAKUNAHAN SA BEDRIDDEN SA NAVOTAS, SINIMULAN

    INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Huwebes ang house-to-house na pagbabakuna kontra sa COVID-19 upang mapaglingkuran ang mga Navoteño na hindi makapunta sa vaccination sites ng lungsod dahil sa sakit.     Nasa 30 bedridden senior na mga residente ng Barangay Tangos North at South ang nakatanggap ng kanilang unang bakuna sa kanilang bahay. […]

  • ‘Tulak’ laglag sa P.1M droga sa Valenzuela

    MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasabat sa isang drug suspect matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City.     Sa report ni PSSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa […]