Willy, balitang sumama ang loob sa ‘di pagtanggap ng offer: HERLENE, magti-taping na ng first teleserye sa GMA after ng beauty pageant
- Published on September 17, 2022
- by @peoplesbalita
KUNG meron palang isa sa kinagigiliwang panoorin ang mga netizens sa reality game show na “Running Man Philippines” kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Buboy Villar, si Buboy iyon.
Sabi ng isang netizen, “paborito ko siyang agent among the seven, sa kabila kasi ng height niya, wala siyang inuurungan, basta siya maka-deliver, okey lang sa kanya.”
“Si Buboy kasi, nasanay nang tanggapin kahit anong pagsubok sa buhay, simula pa noong bago pa lamang siya nagsisimula sa showbiz.”
“At ang gusto ko kay Buboy, marunong siyang magpasalamat at hindi niya nakakalimutan ang mga taong tumutulong sa kanya.”
At kung meron palang isang taong labis niyang pinasasalamatan, si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera iyon, na nagsimula pa nang una silang nagkasama sa “Dyesebel.”
“Kung hindi po dahil sa kanya at kay Direk Joyce Bernal, sa pagtitiwala nila sa akin, hindi po mabubuo itong si Buboy,” sabi ni Buboy.
“Kaya thank you Ate Yan, sobrang laki ng tulong at part mo sa buhay ko, kasi ikaw yung naging ate ko noon. Lalo na ngayon, magkumare pa kami, ninang siya ng pangnay kong si Vlanz.
“From mag-ate to mag-kumare, na kami ngayon. Hindi ko malilimutan na basta may project siya, niri-request niya akong makasama. Kaya nagkasama rin kami sa “Amaya” at “Super Inday.”
Hindi rin ikinaila ni Buboy na nagsimula siya as a “mangangalakal” para may pang-bigas.
“Lahat ng ginagawa ko, pangkain para sa pamilya ko. Iyon ang naging gasoline ko para maka-move forward kung ano po ang pwede kong gawin para sa pamilya ko.”
Kaya naman hindi siya nawawalan ng project sa GMA, wala kasi siyang tinatanggihang roles, kahit ano, gagawin niya.
Kaya for Buboy, God bless you and your children!
***
MAY mga nagtaka kay Herlene Budol at may mga nagalit din sa kanya at sinabihan pa siyang wala utang na loob kay Willie Revillame, nang hindi niya tinanggap ang offer na maging isa sa talents ng AllTV ng mga Villar.
May nagsabi pang nagtampo raw si Willie, nang tumanggi si Herlene. Pero may mga nauna na palang commitments si Herlene. Isa rito ang patuloy niyang pagsali sa mga beauty pageants, at paalis na rin siya para sa isa pang beauty pageant, na nangako siyang magsasama ng interpreter dahil sa Tagalog siya sasagot, hindi siya marunong mag-English.
Nauna nang tinanggap ni Herlene ang offer ng GMA Network na gumawa ng isang teleserye. Noon pa naman kasi, ay talagang sa GMA-7 na gumagawa ng shows si Herlene, at nagbida nga siya sa life story niya sa “Magpakailanman” ni Mel Tiangco.
Kaya malamang pagbalik ni Herlene from the beauty pageant, sisimulan na niyang mag-taping ng kanyang first teleserye sa GMA.
***
STILL on AllTV, sa January 2023 pa pala magpu-full-blast ang AMBS ni Manny Villar.
Inamin nilang mahirap ang nagsisimula, lalo ngayong nakapag-soft opening na sila last September 13, nakita nilang mas marami pa silang dapat pag-aralan at ayusin.
Naghahanap pa rin sila ng mga bagong artistang magsisiganap sa gagawin nilang mga drama series. Pero inamin nilang marami nang dating tauhan ng ABS-CBN ang nabigyan nila ngayon ng trabaho.
Sa ngayon, bibili muna sila ng mga dating produksyon ng ABS-CBN, in fact, may mga naka-schedule na silang magpalabas ng mga lumang teleserye araw-araw, as per releases nila noong September 13, na nagbukas na sila ng kanilang network.
(NORA V. CALDERON)
-
KYLIE, ramdam ang labis na paghanga at kung gaano kamahal si JAKE
IBA ang paghanga ni Kylie Verzosa sa boyfriend na si Jake Cuenca. Ramdam na ramdam namin ito sa naging IG Live interview niya with G3 San Diego. At bukod sa paghanga sa boyfriend bilang isang actor, ramdam din kung gaano ito kamahal ng beauty queen turned actress. Sey ni Kylie, “Without […]
-
PDu30, sinabon ang Telcos
BINANATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang telecommunications companies (Telcos) sa bansa dahil sa “lousy service” lalo pa’t ang mga esyudyanye ngayon ay naka-online classes sa gitna ng COVID-19 pandemic. Nakatakda na kasing magsimula ang klase sa Oktubre 5. Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na matagal na […]
-
Top 4 PDID, tiklo sa P34K shabu sa Valenzuela
BALIK-SELDA ang isang drug personality na listed bilang top 4 Priority Database on Illegal Drugs (PDID) matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Johanne Dellava alyas “Jumong”, 34 ng Brgy. Punturin. Sa […]