Wish na alagaan ng mananalo sa auction: PIA, handa nang i-let go ang ilan sa naipong memorabilias
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
SINA Alden Richards at Ruru Madrid ang type na maging leading men ni Roxie kung sakaling magbida siya sa isang pelikula o teleserye.
Ayon sa Sparkle artist, pareho raw magaling umarte ang dalawa, bukod sa pagiging guwapo nila.
“I had a chance to work with Alden sa movie na ‘Five Breakups and a Romance’ last year. Isa ako sa mga kaibigan nila roon ni Julia Montes. Mabait po si Alden at napaka-down-to-earth.
“Si Ruru po, gusto ko siyang makasama sa isang action movie. Gusto ko pong mag-aral ng martial arts. Type kong makipagbarilan at makipagbugbugan kasama si Ruru. Parang ‘Mr. And Mrs. Smith’,” sey ni Roxie.
Kilala si Roxie sa pagganap sa mga kontrabida roles sa ilang drama shows ng GMA tulad sa ‘Hearts On Ice’, ‘#SparkleU’ at ‘Shining Inheritance’.
Thankful ang former beauty queen na nabibigyan siya ng challenging roles at gusto pa niyang ma-explore ang iba’t ibang klaseng kontrabida roles.
“Ang saya maging kontrabida kasi hindi ka naman nagagalit ng gano’n sa totoong buhay. Ang saya ma-explore ng pagiging kontrabida. I’m happy na most people understand na it’s only the role and not me. Pero of course, I’ll also be happy to accept something different. Pero kung ano man yung ibigay sakin, buong-buo kong tatanggapin yun.”
***
HANDA na raw i-let go ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang ilang mga memorabilias niya na naipon niya tulad ng sashes, journals, at ilan pang personal belongings.
Sa kanyang Instagram in-announce ni Queen Pia ang pagpapa-auction niya ng ilang belongings sa isang charity gala in December.
“We’re just a little over a month away from the Love Gala! Sharing some pieces we’re auctioning…do you remember these? 1. This silver dress when I was announced in the Top 15; 2. My sashes from Binibini up until Miss Universe; 3. My beloved notebooks… all my thoughts and notes as Candidate # 15,” caption ni Pia.
Hindi rin daw madali kay Pia na i-let go ang mga gamit niya dahil parte ang mga ito ng kanyang buhay na binago nung maging Miss Universe siya 9 years ago. Kaya wish niyang maalagaan ang kanyang mga gamit ng kung sinuman ang makakuha ng mga ito sa auction.
“Letting them go doesn’t mean they don’t matter to me. They do… I have a plan of turning them into something more memorable and lasting,” sey ni Pia.
***
PINATUNAYAN ni Salma Hayek na may asim pa siya sa edad na 58.
Panay ang post ng Oscar nominee na naka-bikini siya sa social media.
Nitong nakaraang weekend, pinost ng Mexican actress-producer sa IG ang maalindog na bikini photo niya habang sakay sa kanyang yacht na may caption na “#SundayVibes.”
Kasalukuyang may nilulutong project si Salma kunsaan makakasama niya si Angelina Jolie.
“I wasn’t really supposed to tell you that, but why not? So I’m working on a film that I want to direct, and she’s taking me by the hand.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
UPANG lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports
UPANG lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports, pumirma ng memorandum of understanding (MOU) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco kasama ang Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) na kinakatawan nina Dr. Jerome Porto, chairperson ng UST Institute of Physical Education and Athletics (IPEA), at Asst. Prof. Marcelita […]
-
Espiritu 4 Fil-Am sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021
ISA sa mga inaasahang patok sa nakatakdang Virtual 36th Philippine Basketball Association Rookie Draft 2021 sa Marso 14 ay si Troy Rike at ang tatlo pang kapwa niya Filipino-American. Ito ang ipinahayag kamakalawa PBA players agent Marvin Espiritu, hinirit na bukod sa 6-foot-8 cager na produkto ng Wake Forest University sa USA at […]
-
Mt. Kanlaon, sumabog; 5000-meter plume, naitala – Phivolcs
NAGLABAS ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island. Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume. Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake. Dahil dito, nananatili ang […]