• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WNBA star Brittney Griner hinatulang makulong ng 9 taon sa Russia

HINATULANG  makulong ng siyam na taon ng korte sa Russia si WNBA star Brittney Griner.

 

 

Bukod pa dito ay pinagbabayad pa si Giner ng 1 milyon rubies o katumbas ng $16,300.

 

 

Nakita kasi ng judge sa Russia na guilty si Griner sa kasong kinakaharap nito.

 

 

Naging emosyonal si Griner ng humarap ito sa korte at humingi ito ng kapatawaran dahil sa pagdadala ng hashish oil sa kaniyang bagahe noong Pebrero.

 

 

Unang humiling din Griner sa judge na kung maari ay huwag siyang patawan ng mabigat na parusa.

 

 

Nauna ng naghain ng guilty plea si Griner noong nakaraang buwan kung saan tiniyak ng kaniyang mga abogado na kanilang iaapela ang kaso.

 

 

Magugunitang nag-alok si US President Joe Biden ng prison swap subalit naging malamig ang tugon dito ng Russia.

Other News
  • Ads April 4, 2024

  • PBBM, pinuri ang napakahalagang serbisyo sa bayan ng mga guro

    PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa para sa kanilang “hindi matatawaran” at napakahalagang serbisyo sa bansa lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na limited face-to-face classes.      Sa naging mensahe ng Pangulo sa National Teachers’ Day, hinikayat ng Pangulo ang mga Filipino na kilalanin ang “sakripisyo” […]

  • ‘Big fish’ target ni Cascolan sa drug war

    Target ng bagong upong hepe ng PNP na si Lt. Gen. Camilo Cascolan ang mga bigtime drug personalities sa bansa.   Ayon kay Cascolan, mas paiigtingin nila ang kanilang trabaho upang malambat ang mga indibiduwal o grupo na patuloy na nagsasagawa ng illegal drug operations.   Aniya, titiyakin niyang ang case build up ay ga­gawin […]