• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Women’s volleyball semis sa MOA nagtala ng record sa may pinakamaraming sports fans sa gitna ng pandemya

BUMUHOS ang mga volleyball fans kagabi sa ginanap na semifinals game ng Premier Volleyball League (PVL) na isinagawa sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.

 

 

Maraming mga sports analysts ang nagulat at natuwa dahil sa kabila ng umiiral na pandemya ay nagagawa nang punuin ng mga fans ang ganitong mga laro na huling nangyari ay noon pang bago ang COVID pandemic.

 

 

Naging crowd drawer ang Game 2 ng semis sa pagitan ng Creamline at Choco Mucho at ang harapan naman ng Cignal versus PetroGazz.

 

 

Sinasabing ang gate attendance sa Game 2 ng dalawang laro ay umabot ng 16,687 upang maitala ang record bilang biggest indoor sports crowd ngayong pandemic.

 

 

Sa labis na jampacked ng crowd, marami ang hindi na rin nakapasok sa venue dahil nagkaubusan na ng tickets.

 

 

Nalampasan pa nito ang mahigit 13,000 na mga basketball fans na nanood ng personal sa Game 3 ng PBA Governor’s Cup.

 

 

Ang isa sa volleyball superstar sa bansa na si Alyssa Valdez ay hindi rin makapaniwala sa nasaksihang dami ng mga fans na pumuno sa arena na tinawag niyang “biggest comeback sa sports.”

 

 

Ang Game 1 ng finals sa Premier Volleyball League ay gaganapin sa Miyerkules.

Other News
  • Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN

    NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.   Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens.   Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise […]

  • Jovita Espenida-Meneses, natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw

    LUNGSOD NG MALOLOS- Bilang pagbibigay-pugay sa isang mahusay na mananayaw at guro na ginugol ang kanyang buhay sa pagpapayaman ng sining ng sayaw sa mga estudyanteng Bulakenyo, binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office si Jovita Espenida-Meneses, isang Natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw sa […]

  • Crossovers kampeon!

    Humarurot ng husto ang Chery Tiggo sa hu­ling sandali ng laro upang makuha ang 23-25, 20-25, 25-21, 25-23, 15-8 come-from-behind win laban sa Creamline at matamis na kubrahin ang kampeonato sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.     Walang iba kundi sina middle blocker […]