Work-from-home, angkop at mabuti lamang sa panahon ng pandemya-PSAC
- Published on August 23, 2023
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng Private Sector Advisory Council (PSAC) ang mga empleyado ng pamahalaan na magbalik na sa kani-kanilang tanggapan at suportahan na ang work -from- office (WFO).
Sinabi ng PSAC na ang work- from- home ang isa sa dahilan ng pagbagal ng ekonomiya.
Sa katunayan, sinabi ni PSAC Lead for Jobs at Go Negosyo founder Jose Ma. “Joey” Concepcion III na mayroon siyang halu-halong pananaw ukol sa pagkakaroon ng work-from-home o remote job options kasunod ng COVID-19 pandemic.
“Kasi kapag work-from-home tayo, anong mangyayari sa Pilipinas. There will be less mobility. If there is less mobility, there is less consumption,” ayon kay Concepcion.
“Iyong work-from-home, okay lang iyan sa pandemya, pero sa panahon natin ngayon, wala namang pandemic eh. So dapat tuluy-tuloy ang encouragement to work-from-office para may disiplina rin,” dagdag na wika nito.
Noong nakaraang buwan, tinanggal na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang State of Public Health Emergency na pinairal sa buong Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic sa bisa ng Proclamation No. 297.
Ang naturang Proclamation ay inisyu kahapon, Hulyo 21 subalit isinapubliko ngayon lamang araw ng Sabado, Hulyo 22.
Sa ilalim ng naturang Proclamation, pinapawalang bisa nito at kinakansela ang lahat ng naunang orders, memoranda at issuances na naging epektibo sa kasagsagan ng State of Public Health Emergency.
Sinabi rin ng Pangulo na ang lahat ng emergency use authorization na inisyu ng FDA alinsunod sa Executive Order No. 121 ay mananatiling may bisa para sa period na isang taon mula sa petsa ng pagtanggal ng state of public health emergency para maipamahagi pa ang natitirang mga bakuna.
Hinimok din ng Pangulo ang lahat ng mga ahensya na tiyakin na irekonsidera ang kanilang mga polisiya kasunod ng pagtanggal na ng State of Public Health Emergency at amyendahan ang existing issuances o bumalangkas ng bagong issuances nang naaayon.
“Siyempre, I understand that certain sectors, they can work-from-home because they are in the IT (information technology) sector. But I would really encourage that we, to stimulate the economy, we have to encourage more mobility,” ayon kay Concepcion.
“If there is no mobility, there will be very weak consumer spending and that will lead to a lower number in our growth of the Philippines,” dagdag na wika nito.
Samantala, lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 4.3% sa second quarter ng taon, itinuturing na “the slowest pace” sa siyam na quarters simula nang magbalik ang bansa sa “positive territory” kasunod ng pandemic-induced recession. (Daris Jose)
-
JED, sobrang nakaka-relate sa pinagdaanan ng ‘BTS’ bago sila naging global superstars; nakaranas din ng anxiety attacks
NAGING open ang singer na si Jed Madela tungkol sa naranasan niyang anxiety noong magkaroon ng COVID-19 pandemic. Sa naging panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz, kinuwestiyon ni Jed ang sarili kung hinahanap-hanap pa ba siya ng maraming tao at kung may career pa ba siyang puwedeng matawag? “Ang daming […]
-
Mekaniko kalaboso sa 3 nakaw na motorsiklo
KULONG ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, […]
-
Ads January 11, 2023