• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Workers tablado sa dagdag sahod ngayong Labor Day

WALANG naganap na anunsyo ng dagdag-sweldo sa mga manggagawa ngayong Mayo 1, Labor Day habang pinag-aaralan pa ang mga petisyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

“Sa May 1, walang lalabas na adjustment [sa sahod] agad kasi dumaraan pa sa proseso,” ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

 

 

Mayroong walong nakabinbin na petisyon para sa dagdag-sahod na isinasailalim pa rin sa review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards sa mga lugar na nagkaroon ng apela.

 

 

Kabilang sa mga lugar na may petisyon para dagdagan ang sahod ng mga obrero ang National Capital Region, Calabarzon, Western Visayas, at Central Visayas.

 

 

Ngunit ayon kay La­guesma, kailangang sundan ng RTWPB ang ‘time frame’ para sa pagbababa ng desisyon sa dagdag-sahod at hindi kailangan na itapat ito sa Mayo 1.

 

 

Sa ngayon, magkakasya na lamang ang mga manggagawa sa inihandang mga aktibidad ng DOLE tulad ng “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa”, pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa ilalim ng iba’t ibang programa ng DOLE, mga job fairs, at livelihood at business fairs sa buong bansa.

 

 

Ayon sa DOLE, aabot sa P1.8 bilyong halaga ng suweldo ng sumailalim sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program at iba pang tulong pinansyal ang ipamamahagi sa 313,943 manggagawa ngayong Labor Day.

 

 

Bahagi rin ng natu­rang halaga ang livelihood assistance sa mga mahihirap na nasa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program.

 

 

Maging ang bayad sa mga intern ng gobyerno sa ilalim ng DOLE-Go­vernment Internship Program, at sahod ng mga batang manggagawa sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).

Other News
  • DOTr: Mga proyekto sa sektor ng rail transportasyon may naitalang progreso sa konstruksyon

    MAY naitalang malaking progreso sa konstruksyon ang ginagawang kauna-unahang underground railway na Metro Manila Subway Project (MMSP) mula Bulacan hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paranaque. “The Metro Manila Manila Subway, touted as the country’s most ambitious infrastructure project to date, has already attained significant progress in its construction,” wika ni Department of Transportation […]

  • Tulfo, Legarda, Villar nanguna sa ‘Pulso ng Bayan’ senatorial survey

    NANGUNA  sina broadcaster Raffy Tulfo, Deputy Speaker Loren Legarda at dating public works secretary Mark Villar sa latest senatorial preference survey ng Pulse Asia.     Sa survey na ginanap noong Pebrero 18-23, 2022, nanatili sa unang pwesto si Tulfo na nakakuha ng 66.9 percent; pumangalawa si Legarda (58.9%); at puma­ngatlo naman si Villar (56.2%). […]

  • JOMARI, suportado ang pag-aartista ni ANDRE pati na ang hilig sa car racing; gusto nila ni ABBY na magka-baby

    SUPORTADO ni Konsehal Jomari Yllana ang anak nila ni Aiko Melendez na si Andre Yllana na ngayon ay isa ng contract star ng Viva Artists Agency at kasalukuyang napapanood sa rom-com series ng TV5 na Di Na Muli sa bida sina Julia Barretto, Marco Gallo at Marco Gumabao.     Kuwento nang muling tumatakbo bilang […]