Workouts ni Sotto sa NBA teams sunud-sunod
- Published on June 4, 2022
- by @peoplesbalita
TULOY lang si Kai Sotto sa pagpapakitang-gilas sa ilang serye ng workouts para sa 2022 NBA Rookie Draft na idaraos sa Hunyo 23 (Hunyo 24 sa Maynila) sa Brooklyn, New York.
Sa pagkakataong ito, sumalang ang 7-foot-3 Pinoy cager sa workout ng Cleveland Cavaliers para makita ang talento nito ng mga coaches at agents doon.
Nauna nang dumaan sa workout si Sotto kasama ang New York Knicks at Orlando Magic noong nakaraang linggo.
Matapos dayuhin ang kampo ng Cavaliers, inaasahang sasalang sa panibagong workout si Sotto kasama naman ang Atlanta Hawks sa linggong ito.
Interesado rin ang iba pang NBA teams sa talento ni Sotto.
Kabilang sa mga nagpahayag ng interest ang Chicago Bulls.
Ayon sa isang Chicago-based reporter na si Daniel Greenberg, inaasahang iimbitahan ng pamunuan ng Bulls ang Pinoy player para makilatis ang husay at talento nito.
“The Chicago Bulls are showing interest in draft prospect Kai Sotto and are working on bringing him in for a workout, per sources. Sotto is 7-foot-2 and played basketball for the Adelaide 36ers in the Australian NBL,” ayon sa tweet ni Greenberg.
Nauna nang napahanga ni Sotto si dating Cleveland Cavaliers point guard Collin Sexton.
“That’s my guy. He’s a great player. I feel like he can make it to the NBA,” ani Sexton.
-
Gilas Pilipinas nag start ng mag practice
Walang sinasayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na simulan ang ensayo nila kahit wala pang mga pangunahing manlalaro nila. Ang nasabing ensayo ay bilang paghahanda ng ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa bansa. Ayon kay Reyes na ginamit na lamang nito […]
-
Navotas City Christmas Bazaar
IPINARAMDAM na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mga mamamayan na ‘Pasko na sa Navotas’ sa pamamagitan ng pagpapailaw nito sa heganting Christmas tree. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at ng kanyang pamilya ang taunang pagpapailaw sa naturang higanteng Christmas tree na matatagpuan sa Navotas Citywalk and Amphitheater at fireworks display […]
-
DFA, masusing naka-monitor sa posibleng pagpapatigil sa US assistance —PCO
MASUSING naka-monitor ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ulat kaugnay sa posibilidad na pagpapatigil sa United States foreign assistance. Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos na magpalabas ang US State Department ng “stop-work” order para sa lahat ng existing foreign assistance at pinatigil ang bagong tulong, ayon sa isang cable na nakita […]