World Bank, inaasahan ang 6% average growth para sa ekonomiya ng Pinas sa 2024-2026
- Published on December 13, 2024
- by @peoplesbalita
INAASAHAN ng multilateral lender World Bank na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa average na 6% sa panahon ng 2024 hanggang 2026.
Sa ipinalabas na Philippines Economic Update (PEU), sinabi ng World Bank na ang pananaw nito para sa ekonomiya ay “hinges on the country’s ability to rein in inflation, implement a more supportive monetary policy to foster business growth, and sustain government spending on infrastructure to stimulate economic activity, while safeguarding against the increased global policy uncertainty.”
“Strong growth puts the country on a firmer footing to maintain gains in poverty reduction,” ang sinabi ni Zafer Mustafaoglu, World Bank country director para sa Pilipinas, Malaysia, at Brunei Darussalam.
“The (Philippines) remains vulnerable to extreme weather events such as typhoons and heavy monsoon rains. Therefore, it is important to sustain proactive measures to protect poor and vulnerable households,”ang sinabi naman ni Mustafaoglu.
Para sa 2024 lamang, inaasahan ng World Bank na lalago ang ekonomiya ng 5.9%, mababa sa nauna nitong pagpapalagay na 6% noong October, kinokonsidera ang mas mabagal na paglago na nakita sa third quarter ng taon.
Sa third quarter, ang ekonomiya sa naging pagsusukat ng gross domestic product (GDP) —kabuuang halaga ng kalakal at serbisyo na pinrodus (produce) sa nasabing panahon, lumago ng 5.2%, araw ng Huwebes, mas mabagal kaysa sa 6.4% na paglago sa second quarter.
Sinabi pa ng World Bank na “several typhoons have affected millions of people, destroyed crops and property, damaged infrastructure, and disrupted economic activity, particularly in tourism and construction.”
Idinagdag pa ng world Bank na ang Philippine economy ay inaasahan na makababawi sa 2025 sa rate na 6.1% at 6% sa 2026.
Winika ng World Bank na ‘robust growth is expected to boost poverty reduction due to improvements in household incomes, strong job creation, and continuing economic recovery.’
Samantala, sinabi naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang bansa ay “good chance” na makamit ang upper middle-income country status sa 2025 at maging ang tamaan ang layunin na bawasan ang poverty incidence sa single-digit pagsapit naman ng 2028. (Daris Jose)
-
Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas
KAAGAD nagbigay ng tulong pinansyal sina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco sa halos 60 pamilyang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay sa Navotas City. Personal na binisita at kinamusta ni Mayor Tiangco, kasama ang ibang pang mga opsiyal ng lungsod ang mga nasunugan na karamihan […]
-
Lady Gaga’s Music Video of “Hold My Hand,” for “Top Gun: Maverick” Now Online
THE music video of “Hold My Hand,” Lady Gaga’s new original song for Paramount Pictures’ Top Gun: Maverick is now online. Check it out below and watch the film on May 25 in theaters and IMAX across the Philippines. https://www.youtube.com/watch?v=O2CIAKVTOrc The song is written and produced by Lady Gaga and BloodPop, […]
-
Malakanyang, bukas sa “Designated Survivor” bill ni Senador Lacson
BUKAS ang Malakanyang sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na magtalaga ng magiging successor sakali at ang apat na matataas na lider ng Philippine government ay mapahamak o mamatay dahil sa “exceptional circumstances” such as terrorist attacks. Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ang isinampang “Designated Survivor” bill ni Senador Panfilo Lacson ay “scenario that […]