• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

World Bank, pinalilinis sa PH gov’t ang listahan ng mga benepisaryo ng social programs

HINIMOK ng World Bank ang pamahalaan ng Pilipinas na linisin ang listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

 

 

Ayon kay World Bank Senior Economist for Social Protection and Job Global Practice Yoonyoung Cho, nakita nila na karamihan sa mga benepisyaryo ng cash transfer program ay hindi naman karapat-dapat.

 

 

Aniya, dapat magkaroon ang gobyerno ng malinis na database upang mapahusay ang targeting ng mga benepisyaryo tuwing may krisis.

 

 

Inirekomenda rin nila na ang streamlining ng contingency financing mechanism, para sa mas simpleng bureaucratic processing sa paggamit ng calamity funds.

 

 

Pinamamadali na rin ni Cho ang pamamahagi ng National ID dahil mas makatutulong ito na malinis ang listahan ng 4Ps at iba pang tulong. (Ara Romero)

Other News
  • 55 websites, ipinasara ng United States dahil sa illegal live streaming ng FIFA World Cup

    LIMAMPU’T limang website ang nasamsam ng US Justice Department para sa ilegal na live-streaming na mga laban mula sa FIFA World Cup sa Qatar.     Ayon sa pahayag ng departamento, ang mga website ay isinara matapos matukoy ng isang kinatawan ng FIFA ang mga site na ginagamit upang ipamahagi ang nilalamang lumalabag sa copyright […]

  • Ads July 27, 2022

  • PBA papayagan na ang mga audience sa mga laro

    PAPAYAGAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang panonood ng mga audience sa darating na Pebrero 16.     Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na ito ang naging desisyon nila matapos na 100% na mga manlalaro nila ay bakunado na sa COVID-19.     Aabot na rin sa 95 percent rin sa mga manlalaro […]