World champ sprinter Coleman iaapela ang 2-year ban
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
IAAPELA umano ni world champion sprinter Christian Coleman ang ipinataw sa kanyang two- year ban sa athletics bunsod ng anti-doping violations, ayon sa kanyang manager.
“The decision of the Disciplinary Tribunal established under World Athletics Rules is unfortunate and will be immediately appealed to the Court of Arbitration for Sport,” ani Emanuel Hudson.
Matatandaang nagwagi si Coleman sa men’s 100 meters noong isang taon sa World Championships sa Doha at itala ang world-leading time para sa season na 9.76 seconds.
Agad na sinuportahan ng World Athletics’ Disciplinary Tribunal ang isinampang kaso at banned sa 24-years-old American ng dalawang taon na nagsimula noong May 14, 2020.
Kung mananatili ang ban, hindi makalalahok si Coleman sa Olympic Games sa Japan kung saan siya ang paboritong makakuha ng 100m gold medal.
-
Pagbabasbas at pasinaya sa Takino pumping station
PINASINAYAAN at pinabasbasan nina Mayor John Rey Tiangco, at Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang opsiyal ng pamahalaang lungsod ang bagong bukas na TAKINO pumping station na makakatulong sa mabilis na paghupa ng baha tuwing high tide o kung may bagyo, bilang bahagi pa rin ng ika-17th cityhood anniversary ng Navotas. (Richard Mesa)
-
Navotas nagkaloob ng tax refund
Nagbigay ng tax refund ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga nagkaroon ng karagdagang multa dahil sa huling pagbabayad matapos na dalawang beses nang magbigay ng palugit para sa pagbabayad ng lokal na buwis. Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-45 na nagkakaloob ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng […]
-
World champ na Japanese boxer positibo sa COVID-19
NALUNGKOT ang kampo ni Japanese WBA light flyweight super champion Hiroto Kyoguchi matapos itong makumpirmang nagpositibo sa coronavirus isang araw bago ang nakatakdang laban nito. Sasagupain sana ni Kyoguchi si Thanongsak Simsri ng Thailand sa Osaka, Japan pero tuluyan nang kinansela ang laban dahil sa pagpositibo ng Japanese boxer sa nakamamatay na coronavirus. […]