• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

World’s fastest man na si Usain Bolt, kinapitan ng COVID-19

Dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang world-record sprinter at eight-time Olympic gold medallist na si Usain Bolt.

 

Ayon sa health ministry ng Jamaica, posibleng nakuha raw ni Bolt ang COVID-19 ilang araw matapos idaos ang isang malaking party para sa kanyang ika-34 taong kaarawan kung saan wala raw suot na face mask ang mga dumalo.

 

Naglunsad na rin aniya ng contact tracing ang mga otoridad upang matukoy kung sinu-sino ang mga nakahalubilo ni Bolt.

 

Sa ngayon ay naka-self quarantine ngayon si Bolt sa kanyang tahanan sa nasabing bansa.

 

Una rito, nag-post ang Olympic sprinter ng video sa social media kung saan naghihintay daw ito ng kanyang resulta, bago himukin ang lahat ng kanyang mga nakasalamuha na sumailalim na rin sa quarantine.

 

“I’m just waking up, and like everybody else I checked social media which is saying I am confirmed to have Covid-19,” wika ni Bolt. “I did a test on Saturday to leave because I work. I am trying to be responsible so I am going to stay in and stay here for my friends.”

 

“I’m having no symptoms so I am going to quarantine myself and wait on the confirmation, to see what is the protocol and how I should go about quarantining myself,” dagdag ni Bolt. “Until then, I am saying anyone who has had contact with me should quarantine by themselves just to be safe, and just to take it easy.”

 

Batay sa pinakahuling datos, mayroon nang 1,612 kumpirmadong kaso ng virus ang Jamaica, na may 622 active cases at 16 deaths.

Other News
  • Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub, naaresto sa La Union

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub na dating sinalakay sa Porac, Pampanga noong nakaraang buwan.       Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ni BI fugitive search unit (FSU) kinilala ang dayuhan na si Lin Qiude, 40, na […]

  • Gerald Anderson, nabiktima ng ‘Basag-Kotse’ Gang

    NABIKTIMA ang aktor na si Gerald Anderson ng mga notor­yus na miyembro ng ‘Basag-Kotse gang’ matapos na atakihin ang kanyang sports utility vehicle (SUV) at tangayin ang kanyang mga bag na naglalaman ng kanyang mahahalagang gamit, habang nakaparada sa tapat ng isang gym sa Quezon City, kamakalawa.     Batay sa report ng National Bureau […]

  • Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, inihirit ng commuters na ibalik

    MULING  inihirit ng mga regular commuters na maibalik na ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel.   Ayon sa mga regular commuters, ramdam na nila sa ngayon ang epekto ng pagtatapos ng free rides sa carousel, lalo na ang malalayong biyahe.   Mahigit P100 kada araw umano ang kailangan nilang ilaan ngayon sa pamasahe, na […]