Wushu, jiu-jitsu, karate ibinalik sa SEA Games
- Published on October 5, 2024
- by @peoplesbalita
TATLONG sports disciplines ang ibinalik sa kalendaryo ng 33rd Southeast Asian Games na idaraos sa susunod na taon sa Bangkok, Thailand.
Ito ay ang wushu, jiu-jitsu at karate na malaki ang kontribusyon sa Team Philippines sa mga nakalipas na edisyon ng SEA Games at Asian Games.
Nakumpirma ang pagbabalik ng tatlong sports sa isang ulat sa Singapore kung saan kabilang din sa ibinalik ang cricket, tenpin bowling at sport climbing.
“The Singapore National Olympic Committee confirmed that the SEA Games Federation has approved the inclusion of tenpin bowling, wushu, sport climbing, ju-jitsu and cricket for the upcoming Games. Karate will also be reinstated to the regional event,” ayon sa ulat ng Singapore Straits Times.
Inaasahang ipopormalisa ang lahat sa susunod na pagpupulong ng lahat ng miyembro ng Southeast Asian Games Federation Council na idaraos ngayong Oktubre.
“The final program will be officially confirmed after the SEAGF council’s endorsement at their upcoming meeting in late October,” ayon pa sa ulat.
Malakas ang Pilipinas sa jiu-jitsu kung saan nakasungkit ng gintong medalya sina Meggie Ochoa at Annie Ramirez sa 2023 Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.
Bukod pa rito ang gintong medalya na nakuha nina Marc Alexander Lim at Kaila Napolis noong 2023 SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia.
Sa kabilang banda, may ginto naman ang Pilipinas sa karate mula kina Sakura Alforte at Jamie Lim sa SEA Games gayundin si Agatha Wong sa wushu.
Inaasahang isusulong naman ng Philippine Olympic Committee na maibalik sa kalendaryo ang weightlifting na isa rin sa mga pinagkukunan ng ginto ng Pilipinas.
-
‘Bago ang Ugas fight, Pacquiao kumunsulta kay Mommy D sa political plans’
GENERAL SANTOS CITY – Buong suporta ang ibibigay ni Mrs. Dionesia Pacquiao para sa anak makalipas na tanggapin ni Sen. Manny Pacquiao ang nominasyon ng PDP-Laban Pimentel faction para tumakbo ito sa pagka-pangulo sa 2022 elections. Sa exclusive interview ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Mommy D na bilang ina marapat lang na sumuporta […]
-
7 patay, 120 nasagip sa pagkasunog na barko malapit sa Quezon
NASAWI ang pito kataong lulan ng barkong MV Mercraft 2 malapit sa Baluti Island, Barangay Cawayan sa Real, Quezon ngayong Lunes. Bandang 6:30 a.m. nang magpadala ng distress call ang naturang sasakyang pandagat mula Pilollo patungong Real, Quezon nang magkaroon ng sunog. Sinasabing nagmula ito sa engine room. Aabot sa 134 […]
-
VOTERS REGISTRATION PASA SA BSK ELECTION
NAGTAKDA na ng petsa ng voter’s registration ang Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE. Ayon kay Comelec spokesperson Atty.John Rex Laudiangco, napagpasyahan ng Commission En banc na itakda ang voter’s registration period sa Disyembre 9 hanggang Enero 31,2023. Ito ay upang bigyan daan ang […]