• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

XIAN, natuwa na nabigyan ng chance na maging babae: GLAIZA, natakot sa role sa kanyang first romcom

INIHAHANDA na ng GMA Network ang isa pang malaking project, pagkatapos ng Voltes V: Legacy, ang Sang’gre na for sure ay muling ididirek ni Mark Reyes na nagdirek ng epic series na Encantadia.  

 

 

Kaya dalawa sa gumanap na Sang’gre sa Encantadia, ang natanong kung sino ang type nilang gumanap sa kanilang ginampanang role, si Sanya Lopez as Danaya at si Glaiza de Castro as Pirena?

 

 

      “Siguro dahil morena ako, bagay sa role si Bianca Umali, pwede rin si Althea Ablan, pero gumanap na siya noon sa Encantadia, ewan ko kung pwede pa siya,” sagot ni Sanya.

 

 

“Pero magdi-depend pa rin iyon kung sino ang mapipili ng production team.”

 

 

      “Bet ko rin si Bianca, sa kahit aling role,” sagot ni Glaiza.

 

 

“I think pwede ring makasama sina Jillian Ward at si Sofia Pablo. Pare-pareho kasing napanood sila sa Prima Donnasat si Bianca, gumanap na rin sa Sahaya.”

 

 

Sino nga kaya ang mapipili para gumanap sa Sang’gre?

 

 

***

 

 

MAGSISIMULA na today, May 2, ang dalawang bagong serye sa GMA Network.

 

 

Mauuna ngayong hapon ang sexy and daring afternoon series na Apoy Sa Langit, na pangungunahan ni Ms. Maricel Laxa-Pangilinan at Zoren Legaspi, na ididirek sila for the first time ni Laurice Guillen.

 

 

Pero ang pinaka-challenge ay ang dalawang young actress, sina Mikee Quintos at Lianne Valentin. 

 

 

Sa dalawa si Mikee ang mas nauna kay Lianne, pero inamin niyang mas mabigat daw ang role niya sa serye bilang anak ni Maricel na may trauma kaya nahihirapan siyang mabuhay nang normal.

 

 

“Mas mabigat pa po ito sa role na ginampanan ko sa Onanay, pero napakalaki po ng tulong sa akin ni Direk Laurice, dahil itinuro niya sa akin kung paano ko dapat gawin ang eksena.  She’s very straight to the point with what she wants at natulungan niya ako sa bawat eksena kong ginawa.”

 

 

Noong una, akala ni Lianne, pa-sexy lamang siya sa role niya sa serye.

 

 

“Pero na-realize ko lamang ang bigat ng role ko nang habang tumatagal, marami akong shift ng emotions sa bawat eksena,” kuwento ni Lianne.

 

 

“Thankful po ako sa mga co-stars ko dahil natulungan  nila ako sa bawat eksenang gawin ko, especially po kay Direk Laurice , Ms. Maricel at Tito Zoren, kaya iba pong Lianne Valentin ang mapapanood ninyo sa serye namin.”

 

 

Kasama rin sa serye ang mahusay na director-actor na si Carlos SiguionReyna.  May bago ring leading man si Mikee, si Dave Bornea.

 

 

Mamaya na ang world premiere ng Apoy sa Langit, na mapapanood Mondays to Saturdays, 2:30PM, after ng Eat Bulaga.

 

 

***

 

 

PAPALITAN na simula ngayong gabi, ang first suspenserye ng GMA Network, ang Widows’ Web, na isa namang fantasy romcom at first gender-switch on Philippine TV na False Positive at first team-up nina Glaiza de Castro at Xian Lim. 

 

 

First teleserye ito ni Xian sa GMA, kaya naman thankful siya sa pagbibigay sa kanya ng napaka-challenging role.

 

 

   “Nakatutuwa na nabigyan ako ng chance to portray ang role na pinagdadaanan ng isang babae,” kuwento ni Xian.

 

 

“Kahit papano, naiitindihan ko na ‘yun.  That gives me a whole level of respect sa mga mothers, sobrang hirap pala ang pinagdadaanan nila.  

 

 

Sa set, I was asking for advice sa mga mothers na naroon, their comments and feedbacks, tuwing matatapos ang eksena ko, kung tama ba ang ginawa ko, bilang isang nagbubuntis.”

 

 

      “Honestly, natakot ako sa role ko rito,” kuwento naman ni Glaiza.

 

 

“Since ito ang una kong romcom, na nasanay ako doing dramatic scenes, nagtanong ako kung paanong approach ang gagawin  ko.  I think nagawa ko naman ang dapat kong gawin, masaya siya, na-enjoy ko rin.”

 

 

Directed by Irene Villamor, world premiere  ng False Positive ngayong gabi, after ng First Lady.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • SHARON, umaming ‘devastated’ sa pinagdaraanan at humihiling na ipagdasal

    WORRIED ang mga friends at fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa Instagram post niya na devastated daw siya ngayon.     Ayon kay Sharon, “Rarely has my faith in our Almighty God ever wavered.. But now, sadly, as I am only human after all, it is wavering…I am devastated.  And forgive me if I cannot […]

  • LOVI, hesitant noong una pero dahil kakaiba at ‘acting piece’ kaya tinanggap ang ‘The Other Wife’

    MARAMI na tayong nasaksihan na mga pelikula tungkol sa pagtataksil pero magbabago ang pagtingin ng viewers sa ‘baliw na pag-ibig’ sa latest offering ng VIVA Films, ang The Other Wife.     Muli itong pagtatambalan ng award-winning actors na sina Lovi Poe at Joem Bascon, kasama ang versatile actress na si Rhen Escaño.     Iikot […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 55) Ang pagwawakas…

    KAHIT NAKAUSAP na ni Regine si Bernard tungkol kay Roden ay hindi pa rin siya mapalagay. Kaya’t nagpasya siyang pumunta ulit sa ospital upang makabalita at siguraduhin ang ligtas niyang sitwasyon. Sa kuwarto ni Bela sa ospital ay nadatnan niya si Cecilia at sa pagtatama ng kanilang mga mata ay naroon na agad ang pagdududa […]