• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yakapan at pakikipagkamay sa court, bawal sa mga players – NBA

Muli na namang naglabas nang warning ang NBA sa mga players na mahigpit na nagbabawal sa physical contacts lalo na at ilan na namang players ang nahawa sa coronavirus.

 

 

Kaugnay nito naglabas ng memo ang NBA sa mga teams upang ipaalala ang pagbabawal sa ginagawang kalakaran na high fives ng mga players, yakapan at pakikipagkamay.

 

 

Sakop din ang pagbabawal ng mahabang postgame conversations.

 

 

Ayon sa NBA, maaari umanong gawin ng mga players bilang options ay gamitin ang kanilang mga siko o kaya kamao sa pagbati sa mga kasama.

 

 

Ginawa ng NBA ang hakbang matapos na panibagong 11 mga players ang nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Liban nito, umaabot na rin sa 16 na mga games ang kinansela mula nang magbukas ang bagong season noong buwan ng Disyembre.

Other News
  • Matapos sibakin sa puwesto ang 6 na opisyal ng BOC dahil sa smuggling sa asukal: Balasahan sa BOC, posible

    MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng balasahan sa BoC  kapag may lumabas na ebidensiya na may port personnel ang nakipagsabawatan sa  mga smugglers gamit ang recycled sugar import permits.     Ito’y matapos na may anim na opisyal ng  Bureau of Customs (BoC)  ang  tinanggal  sa puwesto sa Port of Subic  habang nakabinbin ang imbestigasyon […]

  • British boxer Amir Khan, interesadong makalaban si Dela Hoya

    Nagpahapyaw si British boxer Amir Khan sa ambisyon niya na makaharap din si retired boxing legend Oscar Dela Hoya.   Sa pamamagitan ng kaniyang social media, nag-post ito ng larawan na kasama ang dating Mexican champion.   OSCAR DELA HOYA   Sinabi nito na interesadong bumalik sa boxing si Dela Hoya at interesado rin siyang […]

  • Forever grateful dahil maraming magagandang nangyari: KIM, pinupuri ng netizens dahil sinama pa rin si XIAN sa ‘2023 recap’

    SA pagsisimula ng bagong taon, nag-post si Kim Chiu sa kanyang Instagram account ng positibong mensahe.   Kalakip nito ang series of photos, at kasama rin ang mga close friends na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban, na naka-tag din sa naturang post.   May caption ito ng, “DAY 1 of 2024!   “Start of […]