• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YASSER, binulaga ang mga beki sa kanyang latest sexy pictorial MAY bagong makakalaban na sa pagpapa-sexy at pagiging pantasya ng mga beki sina Derrick Monasterio, David Licauco, Paul Salas at Ruru Madrid

Binulaga ni Yasser Marta ang mga beki sa social media nung i-post nito ang kanyang latest sexy pictorial. Topless si Yasser kaya marami ang nagnasa sa mabalahibo niyang dibdib na abot hanggang sa kanyang abs.

 

 

Simple lang ang caption ni Yasser na: “Ride with me.”

 

 

Kaya may kakompetensya na sina Derrick, David, Paul at Ruru kung paggandahan din lang ng katawan. Ang alas ni Yasser ay balbon siya na mas type ng ibang beki kesa sa mga makinis na dibdib ng tatlo. Sey ng isang beki na mas lalake raw tingnan ang mga balbon.

 

 

Hinihintay na ng mga beki ang maging endorser na rin si Yasser ng underwear para magkaalamanan na kung sino ang mas hot.

 

 

Kasalukuyang napapanood si Yasser sa sitcom Daddy’s Gurl, pero makakasama siya sa teleserye na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na What We Could Be na collab ng GMA-7 at Quantum Films.

 

 

***

 

 

DADDY for the second time ang English singer na si Ed Sheeran.

 

 

Sinilang ng kanyang misis na si Cherry Seaborn ang second child nila noong nakaraang May 19. Isa itong baby girl.

 

 

Post ni Sheeran sa Instagram: “Want to let you all know we’ve had another beautiful baby girl. We are both so in love with her, and over the moon to be a family of 4 x.”

 

 

Girl din ang panganay nila Ed at Cherry na si Lyra Antarctica na pinanganak noong 2020 during the COVID-19 pandemic.

 

 

Nais pa raw ng “Perfect” singer na magkaroon pa ng maraming anak: “I’d love more kids man, I’d love it, but it does all depend on what Cherry wants too because it’s her body. I’m really proud of Cherry as a mother. She’s such an incredible human, I’m just in awe. She did a whole Cambridge degree which she started two weeks before giving birth, new baby, and I went to her graduation three days ago at Jesus College and people were saying like, ‘How did she do this with a baby?’”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kamara walang planong buwagin ang Senado

    TINIYAK  ng mga lider ng Kamara na wala silang plano upang buwagin ang senado sa kanilang isinusulong na reporma sa Konstitusyon.     Ito ang sinabi nina Rizal Rep. Jack Duavit, ang lider ng Nationalist People’s Coalition (NPC) bloc sa Kamara, Deputy Speaker at Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. […]

  • Online fixers, binalaan ng LTO

    BINALAAN ng Land Transportation Office (LTO) ang mga online fixers na nag-aalok ng serbisyo sa pagre-renew ng rehistro ng mga sasakyan sa social media.     Ang hakbang ay ginawa ni LTO OIC Romeo Vera Cruz  nang maaresto ang ilang  indibidwal na nag-aalok ng non appearance na rehistro ng mga sasakyan online.     “Will […]

  • DOH, NAGLABAS NG CIRCULAR PARA SA HOLIDAY SEASON

    NAGLABAS na ang Department of Health (DOH) ng Department Circular (DC) No. 2020-0355 o ang  Reiteration of the Minimum Public Health Standards for COVID-19 Mitigation ngayong Holiday season.   Ito ay upang bigyang gabay  ang publiko kung paano panatilihin ang minimum public health standards sa panahon ng holidays at masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng […]