Yayariin ko kayo! – Duterte
- Published on August 13, 2020
- by @peoplesbalita
Nagbanta na si Pangulong Rodrigo Duterte na “yayariin” niya ang mga korap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Nagbanta na si Pangulong Rodrigo Duterte na “yayariin” niya ang mga korap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
“Huwag kayong magkakamali. Itong PhilHealth, sabi ko: Yayariin ko kayo. Maniwala kayo,” pahayag ni Duterte sa isang taped national address nitong Lunes ng gabi. “Yung mga inosente naman, wala kayong dapat iano… Tahimik lang kayo at continue working.”
Ayon sa Pangulo, posibleng nakalusot ang mga korap sa ibang nagdaang presidente ng bansa pero hindi ito mangyayari sa kanya.
Sinabi rin ng Pangulo na tinutulungan siya ng mga miyembro ng Gabinete upang mawala ang mga nangungurakot sa PhilHealth.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala pang desisyon si Duterte kung magtatalaga ng bagong hepe sa PhilHealth matapos maghain ng medical leave si Ricardo Morales.
Sa ngayon ay hinahayaan muna ng Pangulo na gumalaw ang binuong task force na nag-iimbestiga sa mga sinasabing katiwalian sa ahensiya.
Naniniwala si Roque na hihintayin ni Duterte ang rekomendasyon ng task force bago magdesisyon.
Ayon sa Pangulo, posibleng nakalusot ang mga korap sa ibang nagdaang presidente ng bansa pero hindi ito mangyayari sa kanya.
Sinabi rin ng Pangulo na tinutulungan siya ng mga miyembro ng Gabinete upang mawala ang mga nangungurakot sa PhilHealth.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala pang desisyon si Duterte kung magtatalaga ng bagong hepe sa PhilHealth matapos maghain ng medical leave si Ricardo Morales.
Sa ngayon ay hinahayaan muna ng Pangulo na gumalaw ang binuong task force na nag-iimbestiga sa mga sinasabing katiwalian sa ahensiya.
Naniniwala si Roque na hihintayin ni Duterte ang rekomendasyon ng task force bago magdesisyon. (Daris Jose)
-
Bong Go, hinikayat ang publiko na magpabakuna
HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga Filipino na maging katulad ng mga NBA fans at magpabakuna laban sa COVID-19 kung gustong makalabas ng pamamahay. “Magpabakuna po kayo kung gusto niyong makalabas ng pamamahay ninyo,” ayon kay Go sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi. “Sa […]
-
Pinasilip din ang kakaibang kulay ng outfits ng debutante: SHARON, nag-post ng baby picture ni MIEL na turning 18 na this September
HOW soon time flies! Nag-post si Megastar Sharon Cuneta ng baby picture ng youngest girl niya na si Miel Pangilinan who is turning 18 on September 2, 2022. Maraming natuwa sa picture ni Miel at maraming nagpasalamat kay Sharon for sharing the cute baby photo of her youngest daughter. […]
-
Limang dekalidad na pelikula, bakbakan sa ‘5th EDDYS’: CHARO, MAJA, ALESSANDRA, KIM at JANINE, salpukan sa pagka-Best Actress
LIMANG dekalidad at pinag-usapang pelikula noong nakaraang taon ang maglalaban-laban para sa 5th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Tiyak na magiging mahigpit na naman ang labanan para sa major awards ng ikalimang edisyon ng The EDDYS na magaganap sa darating na November 27 sa Metropolitan Theater o MET. […]