• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yee, Davao binulaga ang San Juan sa Game 1 OT

KUMANAW si ex-pro Mark Yee ng all-around game nang gulantangin ng Davao Occidental Tigers-Cocolife ang defending champion San Juan Knights Go For Gold sa overtime, 77-75, para sa 1-0 lead  sa pinagpatuloy na 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019-20 National Finals best of five series sa Subic Bay Gym Miyerkoles ng gabi.

 

 

Nagtulos ng tatlong freethrow ang 39 na taong-gulang, 6-3 na forward at isinilang sa Sagay City ng 15 points, 8 rebounds, 4 steals at 3 assists upang ibalikwas ang Tigers mula sa 11 puntos na pagkakabaon sa regulasyon at makaungos pa sa kahindik-hindik na limang minutong extra-period.

 

 

“This just shows the character of our team. We don’t give up. Siyempre playing with San Juan, it’s different, we kind of like payback,” lahad ni Davao coach Donald Isidro Dulay, patungkol sa pagkabulilyaso sa national title sa ikalawang taon ng liga nang masingitan ng dumayo pang Knights sa Davao sa winner-take-all Game Five.

 

 

Naka-15 markers din si Emman Calo para sa Tigers na patok sa Game 2 sa Huwebes sa nabanggit pa ring bubble playing venue sa Zambales.

 

 

Si Michael Ayonayon ang nagpilit buhatin ang Knights sa tinagpas na 27 pts.

 

Ang iskor:

 

Davao Occidental Tigers Go For Gold  77 – Yee 15, Calo 15, Custodio 12, Mocon 9, Robles 9, Balagtas 6, Terso 5, Saldua 2, Ludovice 2, Gaco 2, Albo 0.

 

San Juan Knights Cocolife 75 – Ayonayon 27, Wilson 15, Clarito 9, Rodriguez 9, Isit 4, Tajonera 3, Gabawan 2, Estrella 2, Pelayo 2, Reyes 2, Wamar 0, Aquino  0.

 

Quarters: 15-15, 30-30, 43-49, 68-68, 77-75. (REC)

Other News
  • Desisyon ng IATF, binawi ni PDu30

    BINAWI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ang mga kabataang may edad na 10 hanggang 14 na nasa lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) na lumabas-labas ng bahay simula sa Pebrero 1.   “Yung restrictions na lifting the age for 10 […]

  • Ads January 13, 2022

  • 4-door strategy ikakasa ng DOH vs Monkeypox

    MAGPAPATUPAD ng “four-door strategy” ang pamahalaan kabilang ang paghihigpit sa mga borders ng bansa para hindi makapasok ang bagong monkeypox virus.     “Kasalukuyang 12 bansa na ang may pinakabagong kaso ng monkeypox. Kabilang dito ay siyam na bansa sa Europa pati na rin sa Estados Unidos, Canada at Australia. Dahil dito ang DOH ay […]