Yorme Isko Moreno naglunsad ng no-contact traffic apprehension scheme sa Maynila
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
Naglunsad ng no-contact traffic apprehension si Mayor Isko Moreno na ipatutupad sa mga pangunahing lansangan sa lungsod ng Maynila na ginawa sa intersection ng President Quirino Avenue at Taft Avenue noong nakaraang Dec.9.
Nagbigay ng babala si Moreno sa lahat ng motorista na magmaneho ng ligtas at kapag nahuli sila sa mga surveillance cameras na kanilang inilagay ay magbabayad sila ng traffic fines.
“With the use of HD (high definitation) cameras, traffic violators will be caught and identified even at night time,” wika ni Moreno.
Ayon kay Moreno maraming mga problema sa trapiko ang laging hinaharap ng mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa kanilang pagpapatupad ng traffic at safety rules sa lungsod ng Manila.
Mayroon higit kumulang na kalahating milyon na mga sasakyan ang dumadaan araw-araw sa Manila.
“Operational digitalization is key to ensure the smooth flow of traffic in the city. Our traffic enforcement system is by far the most modern adopted in the Philippines. We are using HD cameras with signature laser tracking technologies installed in key locations in the city to detect traffic violators,” dagdag ni Moreno.
Tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng no-contact scheme works. Kung may mahuling motorista, ang camera ay kukunin ang license plate number ng sasakyan at ang information ay dadalahin sa MTPB at ipoproseso naman ang information na galing sa Land Transportation Office (LTO).
Ang MTPB naman ay rerepasuhin ang video ng violation at ipapadala ang Notice of Violation sa registered owner ng sasakyan. Kung may disputes sa mga detalye na nakalagay sa mga notices, ang Manila Traffic Adjudication Board ang siyang magsasagawa ng hearing.
Sinabi rin ni Moreno na ang mga makokolektang multa ay pupunta derecho sa city’s treasury upang gamitin sa welfare program ng lungsod.
Ang mga traffic fines at penalties ay maaaring bayaran sa MTPB o di kaya sa mga designated banks at remittance centers.
“Traffic violators cannot ignore the city’s notices as non-payment of traffic violation fines would disallow violators from renewing their vehicles’ registration with the LTO,” dagdag ni Moreno. (LASACMAR)
-
PHILHEALTH, IPAPABUWAG NI DUTERTE SA KONGRESO
ISUSULONG umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pag-abolish o pagbuwag na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna pa rin ng malawakang katiwalian sa state health insurer. Sinabi ni Pangulong Duterte, mas mabuti ng ipabuwag ito dahil wala namang kapitalistang papatol o bibili sa korporasyong wala ng pera. “Itong PhilHealth, […]
-
Pinoy golfer Miguel Tabuena nagkampeon sa Idaho Open
Nagwagi si Filipino golfer Miguel Tabuena sa Idaho Open. Hindi naging maganda ang laro nito sa third round sa Quail Hollow Golf Club sa Boise, Idaho. Nagka-suwerte ito sa seventh round ng makapagtala ito ng eagle at birdie naman sa ika-siyam na round na nagtapos sa kabuuang 196 points. […]
-
Kaya planong ligawan na ang singer-actress-vlogger… JM, inamin na may kakaiba nang nararamdaman kay DONNALYN
MAY plano na raw ligawan ni JM de Guzman si Donnalyn Bartolome. Inamin ng kontrobersyal na aktor may kakaiba raw siyang nararamdaman sa singer-actress-vlogger. “Isa niya po akong tagahanga. Mayroon akong ano sa kanya, may gusto ako sa kanya,” diretsang sinabi ni JM. Sa tanong kung nagsimula na siyang manligaw dito, sagot […]