• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yorme Isko nasa Top 3 ng mga lalaking hinahangaan sa buong bansa

ISANG malaking karangalan, hindi lamang sa mga mamamayan ng lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa, ang pagkakabilang ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang isa sa mga lalaki at babaing hinahangaan sa Pilipinas.

 

Tanging si Mayor Isko Moreno lamang mula sa mga halal na alkalde sa buong kapuluan ng bansa ang napabilang sa mga hinahangaang lalaki at babae sa isinagawang pagsusuri ng banyagang survey firm.

 

Si Mayor Isko ay nasa pangatlo sa hanay ng mga lalaking hinahangaan sa buong bansa batay sa pagsusuri at opinyon ng pandaigdigang data company na YouGov sa kanilang pinakahuling datus para sa taong 2020.

 

Naungusan ni Mayor Domagoso sa pinakahinahangaang personalidad ang bantog na singer/actress na si Sarah Geronimo at maging ang international action star na si Jackie Chan.

 

Maging ang bantog na American singer na si Taylor Swift ay nasa pang-walong puwesto lamang sa pinakahahangaan batay sa datus ng YouGov, habang nasa pang-siyam na puwesto naman si Pope Francis at nasa panghuli ang Academy Award at tatlong Golden Globe Awards winner na si Angelina Jolie na ilang ulit na naitala bilang pinakamataas tumanggap ng bayad sa lahat ng mga Holywood actress.

 

Kung tutuusin, hindi na nakapagtataka kung tanging si Mayor Isko Moreno Domagoso lamang mula sa mga halal na alkalde sa buong bansa ang napabilang sa pinakahinahangaang lalaki at babae sa buong Pilipinas dahil na rin sa kanyang mga ginawang malaking pagbabago sa lungsod sa loob lamang ng maikling panahon ng panunungkulan.

 

Sa katunayan, hindi lamang mga pinuno ng lokal na pamahalaan ang sumunod o gumaya sa kanyang mga programa at proyekto kundi mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay humanga sa isinagawa niyang puspusang paglilinis o clearing operation sa mga pangunahing lansangan kaya’t iniutos ng Pangulo sa Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad sa buong bansa ang clearing operation.

 

Si Mayor Isko rin ang nanguna sa pagpapasiyang isarado munang pansamantala sa panahon ng Undas ang lahat ng pribado at pampublikong sementeryo sa lungsod bilang paraan ng pag- iwas ng hawahan sa mapanganib na virus na dulot ng COVID-19.

 

Nanguna naman sa 10 sa mga hinahangaang lalaki at babae sa Pilipinas batay sa datus ng YouGov si Pangulong Rodrigo Duterte na nakakuha ng 19.67%, sumunod ang aktres, commercial model at fashion designer na si Angel Locsin na may 15.03 %, Senator at boxing superstar Manny Pacquiao na may 10.65%.

 

Pang-apat naman si dating Miss World Philippines 2016 at napiling 2018 Miss Universe Catriona Gray na may 11.09% bago sumunod si Mayor Isko Moreno na may 7.96%. (Gene Adsuara)

Other News
  • Philippine Charity Sweepstakes Office, todo pasalamat sa PNP na paiigtingin ang pagsugpo sa illegal gambling

    IKINATUWA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pangako ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kanilang pagsugpo sa illegal gambling sa bansa.     Makakatulong ito sa ahensya na makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.     Kung matatandaan, nagbigay ng pangako si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kay Philippine Charity […]

  • P13B, gagastusin ng gobyerno para pondohan ang ayuda sa MM residents ngayong ECQ

    SINABI ng Malakanyang na gagastos ang pamahalaan ng P13 bilyong piso para pondohan ang cash grants para sa mga low income Metro Manila residents bunsod ng nalalapit na two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magsisimula sa Agosto 6.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na ang pondo ay huhugutin mula sa savings o […]

  • UMID ID ng SSS, papalitan ng ATM Pay Card

    PAPALITAN na ang re­gular UMID card na gina­gamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos maki­pagkasundo ang ahensya sa mga bangko para sa pagpapalabas ng bagong UMID ATM Pay Cards.     Kapag mayroon nang UMID ATM Pay Cards, ang SSS members ay mas mabilis nang makakakuha sa kanilang account ng kanilang benepisyo, […]