• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YORME ISKO, PINANGUNAHAN ANG 120TH ANNIVERSARY NG MPD

“Ang karanasan ko sa pakikisalamuha sa mga kriminal, nagagamit ko ngayon bilang isang Mayor”

 

 

Ito ang isa lamang sa mensahe ni Mani Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagdalo bilang pangunahing pandangal sa ika-120th founding anniversary ng Manila Police District (MPD) Miyerkoles,  sa MPD headquarters sa UN Ave., Manila.

 

 

Sa kanyang mensahe, ikinuwento nito ang naging buhay niya noong bata pa siya kung saan lumaki siya sa Tondo at nakisalamuha sa lahat ng uri ng klase ng tao kabilang ang mga kriminal kung saan nagagamit niya ngayon kung paano makisama.

 

Bahagi ng pagdiriwang ang wreath laying ceremony sa mga napaslang na miembro ng MPD ganundin ang pagbibigay ng award o pagkilala sa pangunguna ni Mayor Isko at Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi  ng alkalde na sa kanyang isang taon at anim na buwang panunungkulan ipinagmamalaki nito ang mga  kapulisan ng Maynila sa pamumuno ni MPD Director P/Brig.General  Leo Francisco dahil sa pagpapatupad mg kaayusan at katahimikan sa Maynila.

 

Muli rin itong nagbabala sa mga kriminal dahil ang mga kapulisan aniya ng MPD ay hindi napapagod na gampanan ang kanilang tungkulin na naayon  na rin sa kanyang mga direktiba .

 

Ayon kay Domagoso ang pagbabago ay ang pagtanggap ng katotohanan.

 

Pinuri din ni Domagoso ang mga kapulisan ng MPD dahil sa tiyaga at high tolerance nila   sa mga tolongges at mga kawatan na kanilang naaresto.

 

Aniya, malaking bagay ang pagpapatupad ng mga alituntunin  na binibigay ng mga kapulisan  lalo na ngayong panahon ng pandemic.

 

Nagpasalamat naman si General  Francisco sa lokal na pamahalaan dahil sa 100 porsyentong suporta nito sa kapulisyahan ng MPD kapalit naman ng maayos nilang pagseserbisyo sa lungsod. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Tinupad ang pangako kay Ely na aayusin ang isyu: MARCUS, nag-reach out na kay SYD pero wala pang nakuhang sagot

    DAHIL sa nalalapit na reunion ng Eraserheads, napag-usapan ulit ang ginawang pananakit ng isang miyembro ng E-Heads na si Marcus Adoro sa kanyang asawa’t anak.   Noong 2019, inakusahan si Adoro ng kanyang ex-partner na si Barbara Ruaro at ng anak na si Syd Hartha ng domestic abuse.   Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, […]

  • Wrestling icon na si “Undertaker” nagretiro

    Pormal nang namaalam sa WWE ang sikat na wrestler na si “Undertaker” o Mark Calaway sa totoong buhay matapos ang makulay na career nito sa loob ng 30 taon. Ginawa ang kanyang pamamaalam sa isang ceremony sa Survivor Series ng WWE. Nagbigay tribute ang ilang wrestlers sa pangunguna ng tinaguriang kapatid nito na si Kane […]

  • P18K SRI sa halip na P20K ang maibibigay lang ng DepEd

    SINABI ng  Department of Education (DepEd) na P18k lamang sa halip na P20,000  halaga ng Service Recognition Incentive (SRI)  ang maibibigay nito sa mga kuwalipikadong  guro at iba pang teaching personnel.     “Ayon po sa ating AO (Administrative Order) ‘no, talagang ito SRI, we will source it sa PS (personal) savings or ‘yung ginagamit […]