• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yorme Isko, walang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 election

Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang plano na tumakbo sa pagkapangulo sa halalan na gaganapin sa 2022.

 

 

Aminado raw si Moreno na masaya siya dahil nakasama ang kaniyang pangalan sa isa sa mga presidential bets sa 2022 batay sa inilabas na listahan ng Pulse Asia survey.

 

 

Labis ang pasasalamat ng alkalde sa mga sumagot ng naturang survey ngunit mas kailangan pa rin daw na mag-focus ang bawat isa sa realidad na nahaharap pa rin sa health crisis ang buong mundo.

 

 

Gayundin ang panawagan niya sa mga pangalan na nakasama sa nasabing listahan.

 

 

Nabatid kasi sa sruiver na 12 porsyento ng 2,400 respondents ang nagsabi na iboboto nila si Moreno kung sakali na mapagdesisyunan nitong tumakbo sa pagka-presidente.

 

 

Ayon sa alkalde, mas mahalaga sa mga panahon ngayon ang kung ano ang mga gagawing hakbang para labanan ang pandemya na dala ng coronavirus disease.

 

 

Mas maigi rin aniya kung mas pagtutuunan na lamang ng pansin ang plano ukol sa pamamahagi ng bakuna na inaasahang sisimulan sa first quarter ng kasalukuyang taon. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Mga bakuna na inilaan sa NCR, walang napanis- Abalos

    WALANG nasayang o napanis na coronavirus disease (COVID-19) vaccines na inilaan sa National Capital Region (NCR) dahil napaso’ o expired na.   “On record I would like to state this, dito po sa atin, of course sa ating mga alkalde…Ni isang bakuna ay walang nag-expire sa kalakhang Maynila,” ang pagtiyak ni Metropolitan Manila Development Authority […]

  • E-Konsulta services ni Robredo tinapos na; mahigit 58-K ang natulungan

    TINAPOS na ni Vice President Leni Robredo ang mga serbisyo ng Bayanihan E-Konsulta ng kanyang opisina matapos tumulong sa mahigit 58,000 katao, isang buwan bago siya bababa sa pwesto.     Inanunsyo ni Robredo ang huling araw ng libreng telemedicine platform ng Office of the Vice President (OVP) na inilunsad noong Abril 2021 upang matulungan […]

  • Inflation para sa Agosto 2024, naitala sa 3.3% – PSA

    BAHAGYANG bumagal ang inflation rate ng Pilipinas noong buwan ng Agosto dahil sa mas mahinang pagtaas ng gastos sa pagkain at transportasyon.     Ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA), magandang development ito.     Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation, na sumusukat sa rate ng pagtaas ng […]