• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YUL SERVO, MANUNUNGKULAN BILANG MAYOR NG MAYNILA

PANSAMANTALANG manunungkulan bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto dahil sa pagdalo ni  Mayor Honey Lacuna-Pangan sa C4 World Mayors Summit na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina.

 

 

Ayon kay Acting Mayor Yul Servo, ibinilin nito sa kanya ang pagpapanatili ng maayos, malinis at tapat nilang paghahatid ng serbisyo sa mga kapwa Manilenyo.

 

 

Nabatid din sa bise alkalde na hahalili pansamantala sa kanya si 3rd District Councilor Johanna “Apple” Nieto-Rodriguez na siya ring mauupo bilang presiding officer ng Sangguniang Panlungsod.

 

 

Hiling naman ni Servo Nieto sa mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan na magkaisa nilang ipanalangin ang mapayapa at ligtas na paglalakbay ng alkalde pati na rin ang matagumpay na pakikilahok niya sa pandaigdigang summit ng mga mayor mula sa iba’t ibang sulok ng daigdig.

 

 

“Sa pagdalo ni Mayor Honey Lacuna sa C4 World Mayors Summit sa Buenos Aires, Argentina na naglalayong pagtuunan ng pansin ang seryosong usapin sa climate change at ang mahalagang responsibilidad ng mga pamahalaan na pangunahan ang mga hakbang upang tiyakin ang pagbibigay proteksiyon sa ating kalikasan, atin sanang ipanalangin ang kanyang mapayapa at ligtas na paglalakbay, gayun din ang mabunga at matagumpay na pakikilahok sa pandaigdigang summit ng mga mayor mula sa iba’t-ibang sulok ng daigdig,” pahayag ni Acting Mayor Yul Servo.

 

 

Napag-alaman na tanging ang alkalde ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at alkalde ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon lamang ang naimbitahang dumalo sa tatlong araw na summit mula sa mga siyudad sa bansa.(Gene Adsuara)

Other News
  • DOBLE-INGAT VS SUNOG

    “MATUTO ka, Sunog Iwasan Na.” Ito ang tema ngayong taon ng Fire Prevention Month.   Pumasok na ang buwan ng Marso kung kailan mas maraming naiuulat na insidente ng sunog. Kasabay ng pagsisimula ng tag-init ay panahon na mas maraming appliances ang ginagamit hanggang sa ang iba ay nakaliligtaang nakabukas. At tuwing may insidenteng ganito, […]

  • Usapang isports sa online

    PUWEDE pang libreng mapanaood ng mg kampeong magulang at kabataan, sakaling hindi pa nasasaksihan, ang MILO Home Court Huddle sa https://bit.ly/MILOHomeCourtHuddle, na tumanatanggap pa rin ng mga kalahok sa https://www.milo.com.ph/ milo-sports-interactive-online-classes#schedules.   Kasangga si University of the Philippines College of Human Kinetics Asst. Prof. Mona Adviento-Maghanoy na nagkaloob ng tips para mapakilos ang mga tsikiting kahit nasa […]

  • Sara susuporta, magiging tapat na VP kay BBM

    NANGAKO kahapon si Lakas–CMD vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na magiging tapat at susuportahan ang kaniyang presidential tandem na si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at da­ting Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sakaling mapagwagian nilang pareho ang May 9 national polls.     “Of course, I will be a supportive and […]