Yulo at ibang mga atleta nakatanggap ng dagdag na insentibo
- Published on September 16, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP ng dagdag na insentibo si double gold Olympic medalist Carlos Yulo at mga atleta ng bansang sumabak noong Paris Olympics.
Nagbigay ng P10-milyon na cash ang grupong International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) dahil sa tagumpay niyia sa men’s artistic gymnastics.
Mayroon namang tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Aira Villegas at Nesthy Petecio matapos na makasungkit ng bronze medal.
Habang ang mga hindi nakakuha ng medalya ay nakatanggap ng tig-P200,000.
Ayon kay ICTSI executive vice president Christian Gonzales na hindi matatawaran ang naging sakripisyo at pagod na kinaharap ng mga atleta kaya mahalaga na bigyan sila ng pagkilala.
Pinasalamatan naman ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang mga kumpanya dahil sa walang sawang pagsuporta sa mga atleta ng bansa.
-
Ads January 4, 2023
-
3 Pinoy sugatan matapos pinakamalakas na lindol sa Taiwan sa loob ng 25 taon
UMABOT na sa tatlong Pilipino ang sugatan kaugnay ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan noong Miyerkules, bagay na pumatay na sa siyam na katao at naka-injure sa mahigit 1,000 iba pa. Ito ang ibinahagi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairperson Silvestre Bello III sa panayam ng ANC ngayong Huwebes. Ang MECO ang […]
-
LeBron James posibleng makapaglaro na laban sa Boston Celtics
Posibleng makabalik na sa paglalaro si NBA star LeBron James matapos ang abdominal injury nito. Inaasahan kasi ng Los Angeles Lakers na makakasama na nila si James para sa pagbisita nila sa Boston Celtics. Itinuturing na mahalaga na makasama nila ang 17-time All-Star sa itinuturing nilang basketball rivalry sa kasaysayan ng […]