• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo bibigyang atensiyon ang mental health

Maliban sa physical training, nakasentro rin ang atensiyon ni world champion Carlos Edriel Yulo sa aspetong mental habang nasa puspusang paghahanda ito para sa Tokyo Oympics.

 

 

Masaya ang 21-anyos gymnast na ginagabayan ito ni Japanese mentor Munehiro Kugimiya hindi lamang sa regular workout maging sa mental training.

 

 

Isa sa mga ginagawa ni Yulo ang maging masaya sa training sa loob ng gym sa kabila ng matinding dinaranas ng lahat sa labas dahil sa pandemya. “Naka-focus ako sa kung paano mag-training ng masaya. Marami akong natutunan ngayong pandemic lalo na kung paano ko mai-improve ‘yung sarili ko,” ani Yulo.

 

 

Ilang taon nang nasa Tokyo, Japan si Yulo para paghandaan ang Tokyo Olympics.

 

 

Dahil sa pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19 doon, madalas na nasa loob lamang ito ng bahay, gym at school upang makaiwas sa covid.

Other News
  • PDu30, oks na ipalabas ang P1.185 bilyong piso para sa special risk pay ng mga health workers

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas sa P1.185 bilyong piso mula sa contingent fund ng gobyerno noong nakaraang taon para sa special risk allowance (SRA) ng mga health workers na hindi pa nakatatanggap nito.     Sinabi ni Senador Bong Go na ang P1.185 bilyong piso ay huhugutin mula sa 2021 Contingent Fund […]

  • Ads December 4, 2021

  • NBA stars bibida sa USA Basketball team na sasabak sa Paris Olympics

    PORMAL ng inanunsiyo ng USA Basketball Team ang mga manlalaro na kanilang isasabak sa 2024 Paris Olympics.     Gaya ng inaasahan ay star-studded ang nasabing lineup sa pangunguna ng kanilang head coach na si Steve Kerr.     Pinangungunahan ito nina Los Angeles Lakers star LeBron James, Golden State Warriors Star Steph Curry at […]