• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Late submission’: Ilang COVID-19 testing laboratories, sinuspinde – DOH

Isang laboratoryo na humahawak ng COVID-19 testing ang sinuspinde ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy umano nitong paglabag sa mandato na mag-submit ng mga datos sa itinakdang deadline ng ahensya.

 

Hindi pinangalanan ng ahensya ang pasilidad, pero sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na isa sa malalaking laboratoryo ang napatawan ng naturang parusa.

 

“We were able to suspend the license of one of big laboratories last December 29 (2020) because of its continuous non-compliant to our reportorial requirement,” ani Vergeire sa isang media forum.

 

“We will refer to our legal office muna, and if they say that we can, then we will be able to provide you (the name of the suspended laboratory).”

 

Bukod sa nasabing pasilidad, apat na laboratoryo pa raw ang nangangambang patawan ng suspensyon.

 

“Mayroon pang apat na ready for issuance kami ng suspension for these laboratories which are continuously non-compliant.”

 

Katuwang ng Health department ang local government units sa pagkalampag sa mga laboratoryo. Pero binigyang diin pa rin ng opisyal ang mga babala ng Inter-Agency Task Force sa maaaring kaharapin ng mga pasilidad na lalabag sa mandato ng kanilang mga lisensya.

 

Umapela si Usec. Vergeire sa mga laboratoryo na maging tapat sa kanilang tungkulin na mag-report ng mga datos ukol sa mga hinahawakang COVID-19 tests.

 

Sa mga nakalipas na buwan, laging nag-uulat ang DOH ng bilang ng mga laboratoryo na hindi nakakapag-submit ng report sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).

 

“Kahit tayo ay nasa pandemya, kung talagang hindi namin kayo mahihikayat na tumugon sa hiling ng ating gobyerno ay hindi rin namin kayo mapapayagan na magtuloy kayo ng operations because these are requirements for your license to be sustained.”

 

Inamin ng Health spokesperson na nagkaroon ng technical glitch kamakailan ang CDRS, pero hindi daw ito maituturing na dahilan kung bakit mababa ang bilang ng mga bagong kaso na inireport ng mga laboratoryo sa gitna ng holiday season.

 

“Sandali lang nagka-glitch, naayos naman agad. This did not affected our number so much. Ang nakaapekto talaga ay non-operational laboratories during the holiday and health seeking behaviour of individuals.”

 

“Now we expect yung normalcy babalik na at tayo ay makakakita na ng trend ng mga kaso as all labs will be operational today.”

 

Sa huling tala ng DOH, 154 na ang lisensyadong RT-PCR laboratories sa bansa. Habang 43 ang licensed GeneXpert laboratories. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pinoy boxer Eumir Marcial, agad pinagbagsak ang Algerian foe sa 1st-rnd, pasok na sa quarterfinals

    Hindi na pinatagal ni Eumir Marcial ang laban at agad na tinapos sa pamamagitan ng technical knockout o referee-stopped-contest (RSC) sa unang round pa lamang sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.     Sa pagsisimula pa lamang ng laban sa loob ng isang minuto ay pinabagsak ni Marcial si Younes Nemouchi ng Algeria dahilan para bilangan […]

  • Ayon sa paniniwala nina ER at Jeric: DAVID, puwede na maging next big action star

    SIGURADONG ang mga BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco, ay napanood na ang full trailer ng “Maging Sino Ka Man,” ang iconic adaptation sa GMA-7 ng pelikula noon nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.       Sa trailer, makikita mo ang husay sa mga action scenes niya si David, na ayon sa […]

  • MMDA, tinitingnan ang mas mabigat na alituntunin sa e-bikes, e-scooters

    SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tinitingnan nito na higpitan ang alituntunin o patakaran sa paggamit ng  e-bikes at e-scooters kasunod ng napaulat na mga insidente ngayong taon.     Ayon kay Victor Nuñez, pinuno ng traffic discipline office for enforcement ng MMDA, medyo maluwag kasi ang ahensiya sa pagpapatupad ng  Land Transportation […]