• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo humirit ng ginto sa World Cup

NAGPARAMDAM ng kahandaan si world champion Carlos Yulo matapos sumungkit ng gintong medalya sa FIG Artistics Gymnastics World Cup sa Doha, Qatar.

 

Isang solidong performance ang inilatag ni Yulo para masiguro ang ginto sa men’s parallel bars.

 

Nakalikom si Yulo ng impresibong 15.200 puntos upang angkinin ang unang puwesto.’

 

 

Pinataob ni Yulo si Hung Yuan-Hsi ng Chinese-Taipei na nagkasya lamang sa pilak bunsod ng nakuha nitong 14.966 puntos habang pumangatlo lamang si Caio Souza ng Brazil na nagsumite ng 14.566 puntos.

 

 

 

Bukod sa ginto, umani rin si Yulo ng pilak na medalya sa men’s vault.

 

 

 

Nagrehistro ang 24-anyos na Pinoy gymnast ng 15.066 puntos sapat para sa pilak.

 

 

 

Nanguna si Artur D­avtyan ng Armenia na may 15.166 puntos habang napasakamay naman ni Yahor Sharamkou ng Bela­rusia ang tanso na may 14.749 points.

 

 

 

Magandang performance ito para kay Yulo na naghahanda para sa Paris Olympics na idaraos sa Hulyo sa France.

 

 

 

Kasama ni Yulo sa Paris Games sina Fil-Americans Aleah Finnegan at Levi Ruivivar na nakahirit din ng tiket sa women’s division.

 

 

 

Sa kabilang banda, sariwa pa si Ruivivar sa pag-angkin ng Paris Games berth sa World Cup Doha Leg.

Other News
  • Cabinet officials ni PBBM, sumabak na sa trabaho

    MAY ILANG  miyembro na ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagsimula nang sumabak sa kanilang trabaho.     Sa katunayan, may ilan ang nag- first day “warming up” na sa kanilang staff at sinasanay na ang kanilang sarili sa tanggapan na kanilang magiging  “official home” sa mga darating na araw.     Isa […]

  • Online application sa educational aid, itinigil na ng DSWD

    INIHINTO  na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtanggap ng aplikasyon online para sa kanilang educational assistance program na laan sa mahihirap na mag-aaral.     Ito ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo ay dahil may mahigit 2 mil­yong indigent students na ang nakarehistro online para sa kanilang educational assistance program.   […]

  • CLAUDINE, paborito pa ring banggitin hanggang ngayon si RICO; patihimikin na sana ang namayapang aktor

    SANA ay patahimikin na ni Claudine Barretto ang mahigit 19 na taon nang namayapang actor na si Rico Yan.       Hanggang ngayon, tila paborito pa rin itong banggitin ni Claudine.     Sa naging interview niya sa YouTube channel ng kanyang best friend na si Janelle Jamer, si Rico pa rin ang isa sa […]