• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo pasok sa finals ng men’s vault sa Tokyo Olympics

Hindi pa tapos ang laban para sa lone world champion gymnast ng Pilipinas na si Carlos Yulo kahit pa bigo siyang makakuha ng final spot sa floor exercise event.

 

 

Pasok pa rin kasi si Yulo sa finals sa men’s vault event ng men’s artistic gymnastics.

 

 

Ito ay kasunod na rin ng kanyang performance ngayong araw, Hulyo 24, sa Ariake Gymnastics Centre.

 

 

Sa naturang event, nakakuha si Yulo ng 14.712 record sa vault, dahilan para makuha niya ang puwesto sa top 6 spot sa finals na gaganapins a Agosto 2 ng alas-5:30 ng hapon, oras sa Pilipinas.

 

 

Kanina, sa floor exercise event, nakakuha lamang ng 13.566 points si Yulo, pang-44 sa lahat ng mga atleta.

 

 

Pang-47 naman siya sa individual all-around final berth matapos makakuha ng total na 79.931 points.

 

 

Pagdating naman sa rings, nakuha ni Yulo ang 24th place sa score na 14.0000.

 

 

Nakakuha naman siya ng 13.466 sa parallel bars para sa 55th place, at pang-63 sa horizontal bars matapos makuha ang 12.300 score.

 

 

Sa pommel horse, mayroon namang 11.833 score si Yulo.

Other News
  • BSKE, isang “litmus test” para sa functioning democracy sa Bangsamoro

    PINURI ni Presidential peace adviser Carlito Galvez, Jr. ang matagumpay na pagdaraos ng lokal na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.     Ani Galvez, nakapasa ang lokal na pamahalaan sa tinatawag na “litmus test of a well-functioning democracy.”     Sa isang kalatas, pinasalamatan ni Galvez ang mga miyembro ng militar at […]

  • DOJ, inatasan ni PDu30 na inimbestigahan ang korapsyon sa buong gobyerno

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte InterAgency Task Force led sa pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang korapsyon sa buong pamahalaan.   Ipinag-utos din ng Pangulo sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   “It behooves upon me to see to it […]

  • Sa dami ng bagyong tumama sa bansa… Quick Response Fund, nilimas ng Tropical cyclones

    NALIMAS ang Quick Response Fund dahil sa tropical cyclones na tumama sa bansa.   ”Ang QRF natin ang katotohanan diyan dahil sa dami ng bagyo ay naubos na. Kaya’t ang ginawa natin ay nagtabi ulit tayo ng pondo para mabigyan ulit, malagyan na naman natin ng laman ang QRF natin para sa mga local governments […]