Yulo swak sa World Championships sa UK
- Published on June 21, 2022
- by @peoplesbalita
MAGLALARO si Pinoy gymnastics sensation Caloy Yulo para sa kanyang ikatlong World Championships na nakatakda sa Oktubre sa Liverpool, England.
Ito ay matapos magdagdag si Yulo ng dalawa pang gold medals sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar.
“Qualified for world championship 2022 in Liverpool UK!!,” ani Japanese coach Munehiro Kugiyama kay Yulo. “We try and try best every days training.”
Kumolekta si Yulo ng 14.800 points sa men’s vault para sikwatin ang ginto laban kina Tachibana Shiga ng Japan at Kim Hansol ng Korea.
Sa nasabi ring event nagkampeon ang Tokyo Olympian sa 2021 World Championships na idinaos sa Kitakyushu, Japan.
Isinunod ni Yulo ang gold sa parallel bars sa nakuhang 15.167 points.
Nakatakda ang 2022 World Championships sa Oktubre sa Liverpool, England kung saan hangad ni Yulo na makolekta ang ikatlong gold medal matapos magkampeon sa men’s floor exercise noong 2019 sa Stuttgart, Germany at sa vault noong 2021 sa Kitakyushu, Japan.
Nauna nang inangkin ng 22-anyos na si Yulo ang ginto sa floor exercise at pilak sa individual all-around ng nasabing continental championship sa Doha.
-
DOTr: Libreng sakay sa mga trains extended muli hangganag Sept. 15
Pinahaba muli hanggang September 15 ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa mga trains ng mga pasaherong fully vaccinated. “The DOTr extended the free rides for vaccinated authorized persons outside of residence or APORs at the Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2 and […]
-
Pinoy golfer Miguel Tabuena nagkampeon sa Idaho Open
Nagwagi si Filipino golfer Miguel Tabuena sa Idaho Open. Hindi naging maganda ang laro nito sa third round sa Quail Hollow Golf Club sa Boise, Idaho. Nagka-suwerte ito sa seventh round ng makapagtala ito ng eagle at birdie naman sa ika-siyam na round na nagtapos sa kabuuang 196 points. […]
-
NAT’L BUDGET, lalagdaan bago matapos ang taon – PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes na lalagdaan niya ang P6.352 trillion national budget para sa 2025 bago matapos ang taon. Sinabi ng Pangulo na ang expenditure program, partikular na ang ilang isiningit na hindi bahagi ng original budget na ni-request, ay dapat na sinisiyasat. Sa isang […]