• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ZAMBOANGA VALIENTES HARI SA AUSTRALIA 3X3

NAGSYUT ang Zamboanga Valientes ng Pilipinas ng 4-1 panalo-talong kartada sa loob lang ng isang araw para pagharian ang Open division ng Basketball Act 3×3 Christmas Street Hustle 2020 sa Belconnen 3×3 Outdoor Courts-42 Oatley sa Canberra, Australia nitong Sabado, Disyembre 12.

 

Ginimbal ng Chavacano dribblers ang niresbakang eliminations tormentor Black Buckets sa finals 14-7. Sumubasob sa third game sa elims sa overtime ang PH squad, 14-16, na naging unang Pinoy cage team na nagwagi sa isang isang torneo ng basketbol sa nasabing bansa.

 

Pinagtutumba rin ng Valientes ang Orange Buckets sa semifinals, 16-11; MC Africa sa quarterfinals, 16-1; Orange Buckets , 11-8; at White Buckets, 15-8, sa unang dalawang salang sa eliminasyon.

 

Sina former Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) player Eric Miraflores, dating National Capital Region Athletic Association (NCRAA) mythical team member Chris Concepcion, 18-year-old prospect Adam Compton at Sudanese-Australian Duom Dawam ang mga bumubuo sa koponan

 

Ang anak ng may ari ng Zamboanga Valientes na si Cory Navarro na si dating Philippine Youth team member Junnie Navarro ang nag-coach sa team.

 

Inanyayahan ang Valientes sa isa pang Las Vegas 3×3 tournament 2021 sa Nevada dahil sa tagumpay na ito sa Down Under. (REC)

Other News
  • Dagdag na bus at bus stops sa EDSA busway, balak ng DOTr

    PLANO  ng Department of Transportation (DOTr) na makapagdagdag pa ng mas maraming bus at makapagbukas ng mas marami pang bus stops para sa EDSA Busway.     Bunsod na rin anila ito nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22, at pagbabalik na rin ng face-to-face classes sa bansa.     Ayon kay […]

  • HTAC hugas-kamay sa nasayang na 31M COVID bakuna

    NAGLABAS ng pahayag ang Health Technology Assessment Council (HTAC) matapos ibunton ni Iloilo Rep. Janet Garin ang sisi sa kanila sa nasayang na 31 milyong dose ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P15.6 bilyon.     Base sa pahayag ni Garin, bawat desisyon umano ng Department of Health (DOH) ay dadaan muna sa HTAC, na […]

  • 1-M pang Sinovac vaccine doses, dumating sa Phl

    Karadagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine ang dumating sa Pilipinas bandang alas-7:35 kahapon ng umaga.     Ang bagong batch ng Sinovac vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 671.     Sinalubong ito ng vaccine czar na […]