• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Zero casualty’ sa Eleksyon 2025, target ng gobyerno -Remulla

TARGET ng gobyerno na magkaroon ng casualty-free elections sa 2025.

 

Sa katunayan ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ay inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na trabahuhin ang kaligtasan at seguridad ng mga kandidato at publiko para sa nalalapit na halalan sa bansa.

 

“We will enlist the help of all agencies and government to make it as peaceful as possible. Our aim is zero casualties for 2025,” sinabi ni Remulla sa turnover ceremony ng DILG leadership.

 

Bilang lokal na opisyal ng lalawigan ng Cavite, sinabi ni Remulla na binigyan niya ang bawat mayoral candidate ng isang mobile patrol vehicle upang tiyakin ang kaligtasan ng mga ito at maging ng kanilang personal bodyguards.

 

“In Cavite, when I ran for the last three times, ang ginawa ko roon, each and every candidate for mayor, lagi may kasamang mobile patrol vehicle. Lagi silang separate na hindi nila bodyguard. Binabantayan lang sila,” aniya pa rin.

 

“Maybe we can do the same, but I don’t know if mobility is possible,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, base sa initial assessments, ang mga lugar na maaaring ituring bilang hotspots sa 2025 elections ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Cagayan, Nueva Ecija, at Palawan.

 

“But those are premature, just off-the-cuff assessments. But we will get to a definite list in the next few weeks. Kasi kahapon lang natapos ang filing . So we will know more and give a definitive list after that,” ayon sa Kalihim.

 

Sa ngayon aniya ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang shooting incident sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na nangyari, araw ng Martes, huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC).

 

Napaulat na may limang katao ang nasaktan sa insidente habang isa naman mula sa limang kataong nasaktan ay nasa kritikal na kondisyon.

 

Samantala, ang campaign period para sa mga kandidato sa pagka-senador at party-list groups ay mula Feb. 11 hanggang March 10, 2025 habang para sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at parliamentary, provincial, city at municipal elections ay mula March 28 hanggang May 10, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

 

Ang Election day ay sa May 12, subalit maaari nang bumoto ang mga overseas voters mula April 13 hanggang May 12 habang ang mga local absentee voters ay maaaring bumoto mula April 28 hanggang 30.

 

“BARMM parliamentary polls will also be conducted in 2025,” ayon sa Comelec. (Daris Jose)

Other News
  • Iran, bukas na palayain ang natitirang ST Nikolas crew sa oras na mapalitan-DFA

    PAHIHINTULUTAN ng Iran na palayain ang lahat ng crew members ng kinumpiskang ST Nikolas sa oras na dumating na ang kanilang kapalit na magbabantay sa barko. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may 17 mula sa 19 na orihinal na crew members ang nananatiling sakay ng ST Nikolas matapos palayain ang isang Filipino […]

  • Pinoy boxer Jerwin Ancajas, bigong mabawi ang IBF crown matapos muling natalo kay Argentinan undefeated boxer

    NAPANATILI ng undefeated boxer Fernando Martinez ang kanyang International Boxing Federation junior bantamweight title matapos muling payukuin ang dating champion na si Jerwin Ancajas.   Naidepensa ni Martinez ang koronang kanyang naagawa kay Ancajas noong Pebrero sa pamamagitan ng scores na 119-109, 118-110 at 118-110 sa championship rematch sa Carson, California.   Dahil dito, napaganda […]

  • Guidelines ng motorcycle taxis inaprubahan ng DOTr

    Binigyan ng go-signal ang muling pagbabalik ng motorcycle taxis matapos na aprobahan ng Department of Transportation (DOTr) ang guidelines upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga pasahero at drivers nito laban sa COVID-19.   “We want to have motorcycle taxis back on the roads to help our fellowmen in their transportation needs. We also […]