Zero COVID-19 positive itinala ng NBA
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Ibinunyag ng National Basketball Association (NBA) na walang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang pinakahuling testing bago ang opisyal na restart ng liga sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.
Dumating ang mga manlalaro sa quarantined bubble upang muling simulan ang liga matapos mahinto noong Marso dahil sa coronavirus outbreak.
Lalaruin ang liga na walang manonood at pansamantalang maninirahan ang mga manlalaro sa site habang tuloy ang laro sa kumpetisyon ng kani-kanilang koponan.
Ayon sa ulat, sa huling test na ginawa noong July 20, lahat ng manlalaro ay nag-negatibo sa COVID-19.
Nakatakda ring buksan ng National Hockey League (NHL) ang kanilang season sa Aug. 1 sa isa ring secured na lugar, ayon sa ulat.
Wala namang balak ang Major League Baseball (MLB) na maglaro sa bio-secure bubble setting matapos nitong paigsiin ang season simula pa noong isang linggo.
Sinuspinde naman ng MLB ang Miami Marlins ng isang linggo matapos isang dosenang manlalaro nito ang nagpositibo sa COVID-19 na nagbabadya ng muling pagkabalam ng season.
-
Portuguese Footbal Federation itinangging nagbanta si Ronaldo na ito ay hindi na maglalaro sa World Cup
Pinabulaanan ng Portuguese Football Federation (FPF) na nagbanta ang kanilang star player na si Cristiano Ronaldo na ito ay lalayas na at hindi na maglalaro sa nagpapatuloy na FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar. Ayon sa koponan na walang katotohanan ang kumalat na balita sa banta ng kanilang team captain. Sa kada […]
-
China, nag-donate ng $200,000 sa Agaton relief operations
NAG-DONATE ang China ng $200,000, o P10.2 million, sa Pilipinas bilang suporta sa Tropical Storm Agaton relief operations ng bansa. “Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by TropicalSstorm Agaton,” ayon kay Ambassador Huang Xilian sa Facebook. “Chinese President Xi Jinping, State Councilor and Foreign Minister […]
-
Lahat ng lugar sa Metro Manila, high o critical risk – DOH
Nasa ‘high o critical risk’ na lahat ng siyudad at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19 at pagtaas ng utilization rate ng mga pagamutan. Kabilang sa mga nasa Alert Level 4 (critical) ay ang mga siyudad ng Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, […]