• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zoom meeting at hindi cabinet meeting ang hindi dinaluhan ni PDu30

NILINAW ng Malakanyang na hindi Cabinet meeting ang nangyari kahapon, Abril 8, 2021 na dinaluhan ng ilang cabinet members.

 

Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito’y Zoom meeting na dinaluhan ng ilang Department Secretaries.

 

Pinamunuan ito ni Executive Secretary Salador Medialdea Jr. para talakayin ang OVID-19 at iba pang kaugnay na usapin gaya ng contact tracing, estado ng hazard pay ng mga healthcare workers, prepositioning ng items para sa distribusyon at ang codification ng procedure para sa future references “in case similar situation occurs”, PhilHealth payments para tugunan ang kasalukuyang surge, at iba pa.

 

“It was an informal but productive meeting,” ayon kay Sec. Roque.

 

“We hope this clarifies the matter,” dagdag na pahayag nito.

 

Inaasahan naman na maide-deliver ang dalawang milyong bakuna ngayong Abril 2021 kung saan ang 1.5-M ay manggagaling mula sa Sinovac.

 

Habang tinatrabaho naman ang 500,0000 mula sa Gamaleya ngayong buwan ng Abril o Mayo.

 

“922,898,600 vaccines have already been administered,” ayon kay Sec.Roque.

 

Ang aplikasyon ng Debit Credit Payment Method (DCPM) ng public at private hospitals sa mga identified areas of concern, ay nasa P9.7-, pero “subject to” Board assessment/ estimation para sa NCR Plus affected areas.

 

Samantala, ang Inter-Agency Task Force ay nakatakdang magpulong sa darating na Sabado, Abril 10, 2021, para talakayin ang quarantine classification ng National Capital Region Plus. (Daris Jose)

Other News
  • Mandatory vaccination isa ng batas sa Austria

    MAGIGING mandatory na sa Austria ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.     Sinabi ni Austiran President Alexander Van der Bellen na pinirmahan na niya ang batas sa pagpapabakuna sa lahat ng mga mamamayan niya na nasa hustong edad.     Nakasaad sa batas na ang mga hindi bakunado at walang anumang vaccine certificate o exemption […]

  • Paghahanda na raw posisyon sa 2025 elections: Sen. BONG, nag-iikot sa iba’t-ibang lugar ngayon sa Kamaynilaan

    ALTHOUGH ang TV show niyang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ang pino-promote ni Senator Bong Revilla sa ginawa niyang pag-iikot sa iba’t-ibang lugar ngayon sa Kamaynilaan ay hindi maiiwasang mag-iişip ang mga tao na may kinalaman sa posisyong tatakbuhan niya sa 2025 elections.     Usap-usapan kasi sa umpukan ng mga Barangay […]

  • Sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’… AGA, RICHARD, at GABBY, kasama sa walong movie icons na pararangalan

    WALONG tinitingala at itinuturing nang haligi ng entertainment industry ang gagawaran ng espesyal na pagkilala sa gaganaping 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023.   Bibigyang-pugay ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga napiling Icon awardees sa industriya ng pelikulang […]