• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ZOREN at CARMINA, naging emotional dahil sa pinagdaraan ng pamilya at sa pagkahiwalay sa kambal

ANG ganda ng trailer pa lang ng bagong GMA Afternoon Prime, ang Stories from the Heart: The End of Us na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

 

 

At umpisa pa lang ng online mediacon nila, naging very emotional na sina Zoren at Carmina. Lalo na si Zoren na parang rare naman na mangyari.

 

 

Bukod sa masaya sila dahil alam daw nilang may masterpiece silang nagawang serye, inamin din ni Zoren kung bakit daw siguro sila emotional ng misis niya dahil sa pinagdadaanan din ng pamilya nila.

 

 

Ayon kay Zoren, ang father raw kasi ni Carmina ay in and out ngayon sa hospital at bukod dito, ang kanilang kambal ay madalas din na nasa lock-in taping.

 

 

Nagdalawang-isip daw talaga silang mag-asawa kung tatanggapin ang Stories from the Heart: End of Us dahil hangga’t maaari, ayaw raw sana nilang pareho silang wala ng matagal sa bahay.

 

 

Pero dahil sa nakita nilang outcome ng ginawa nilang serye under the direction of Zig Dulay, sobra silang nagpapasalamat ngayon na tinanggap at ginawa nila ito.

 

 

***

 

 

MULING nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7 ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi.

 

 

Sa 18 years na pagiging Kapuso niya, may dalawang taon din na nag-lie-low sa showbiz si Yasmien. Ito na rin ‘yung time na nagkaroon siya ng anak at nag-asawa at wala raw siyang pinagsisihan na nag-lie-low siya dahil ‘yun ang time na mas nahanap at nakilala niya ang sarili.

 

 

Nakabalik din si Yasmien bilang Kapuso and since then, tuloy-tuloy na siya at makokonsider na Reyna ng Afternoon Prime.

 

 

When asked kung hindi ba niya nire-request lalo na sa pagpirma niya ng bagong kontrata na maging bida naman sa primetime.

 

 

Nakangiting sabi niya, “Sa akin naman po kahit saan nila ‘ko ilagay. Gusto nila ko sa hapon, gusto nila ko sa gabi o ipagpalit-palit, okay lang naman po sa akin. Basta kung saan magpi-fit ang role, kung saan ako nababagay, nandito lang naman ako.”

 

 

Sa ngayon, hindi raw makita ni Yasmien ang sarili na nasa ibang network.

 

 

“Hindi ko po makita. Parang hindi ko ma-imagine, parang ang hirap,” natatawang sabi niya.

 

 

On-going pa rin ang kanyang afternoon prime na Las Hermanas at marami raw dapat abangan sa kuwento, lalo na sa character niya.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Balikan ang iba pang rebelasyon sa ‘Korina Interviews’: KAREN, nanghinayang sa nasayang na panahon na ‘di nakilala si KORINA

    LAST Sunday, October 30, nangyari na ang sinasabing imposibleng ‘one-on-one’ interview na nangyari na sa ‘Korina Interviews’ na pinalabas sa NET25 at sa kanilang YouTube channel last Sunday, na kung saan harap-harapang tinanong ni Korina Sanchez-Roxas si Karen Davila kung bakit nga ba sila pinag-aaway.   Sa bandang huli nga ng exclusive interview ni Korina, […]

  • 3 pang phreatomagmatic bursts naitala sa Taal – PHIVOLCS

    TATLO pang phreatomagmatic bursts ang naitala sa Taal Volcano kahapon, ayon sa PHIVOLCS.     Base sa kanilang report na inilabas ngayong umaga, sinabi ng PHIVOLCS na base sa kanilang pagbabantay mula alas-5:00 ng umaga kahapon hanggang kaninang alas-5:00 rin ng umaga, nakapagtala ng phreatomagmatic burst bandang alas-9:30 ng umaga, alas-9:33 ng umaga at alas-9:46 […]

  • Supplies allowance para sa mga public school teachers dapat tiyakin – Senador

    MATAPOS  aprubahan sa huli at ikatlong pagbasa ang Kabalikat sa Pagtuturo Act (Senate Bill No. 1964), binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na napapanahon na ang batas para gawin nang pamantayan ang pamimigay ng teaching allowance para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.     Nakasaad sa panukalang batas ang pagkakaloob ng teaching allowance […]