Zubiri, bagong Senate president ng 19th Congress
- Published on July 26, 2022
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang nailuklok bilang bagong Senate President si Senator Juan Miguel Zubiri.
Ito ay matapos na iboto ng 20 mga senador si Zubiri bilang bagong Senate President sa unang sesyon ng muling pagbubukas ng 19th Congress ngayong araw.
Ngunit sinabi naman ng magkapatid na senador na sina Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano na na hindi sila nakiisa sa ginawang botohan ng mga senador para sa Senate president ngunit iginiit nila na hindi sila magiging awtomatikong kaanib ng minority bloc dahil mananatili anila silang “independent” senators sa 19th Congress.
Habang nag-abstain naman sina Senator Risa Hontiveros at Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagboto kay Zubiri dahilan para maging awtomatikong kaanib na ang mga ito ng minority bloc.
Magugunita na noong Mayo ay nagpahayag si Senator Cynthia Villar ng kaniyang kagustuhan na maging Senate president ngunit agad niya itong binawin matapos niyang mapiling suportahan naman si Zubiri. (Daris Jose)
-
Wanted sa kasong rape sa Masbate, natimbog sa Malabon
Nasakote ng mga operatiba ng Malabon police ang isang most wanted person sa probinsya ng Masbate dahil sa kasong four counts of rape sa isang follow-up operation sa Malabon City. Kinilala ni Malabon polioce chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Geraldo Magbanwa, Jr., 21, factory worker at residente Barangay Ubo, […]
-
Crime volume sa bansa, bumaba ng 47%
IBINALITA ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na bumaba ng 47% ang crime volume sa bansa sa loob ng unang anim na buwan kung saan ang bansa ay isinailalim sa lockdown dahil sa coronavirus pandemic. Pinagbasehan ni Año ang data mula sa Philippine National Police (PNP). Sa nasabing data,16,879 ang napaulat […]
-
DepEd, naglaan ng P1-B na pondo para sa expansion phase ng limited F2F classes
NAGLAAN ng humigit-kumulang isang bilyong piso ang Department of Education (DepEd) bilang support funds para sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones na ito ay bilang paghahanda ng kagawaran para sa mas dumarami pang mga paaralan na nakatakdang lumahok sa progressive expansion ng limitadong face-to-face classes […]