• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

₱95 billion expressway project ng Pasig River, bubuhayin ng SMC

Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) nitong Huwebes ang planong pagbuhay sa Pasig River bilang bahagi ng ₱95.4 billion Pasig River Expressway (PAREX) project.

 

“Not only will we be building a much-needed direct link between eastern and western Metro Manila, we will also be leading a historic effort to bring the Pasig River back to health,” ani Ramon S. Ang, president at COO ng SMC, sa isang pahayag.

 

Aniya na ang PARE ay “solution within a solution” dahil target nitong mapabuti ang trapik sa Metro Manila, maging na rin ang katubigan sa Pasig River.

 

Anang SMC ang PAREX ay 19.40 kilometer, six-lane elevated expressway sa river banks na magsisimula sa Radial Road 10 (R10) sa Maynila at magtatapos sa South East Metro Manila Expressway o sa Circumferential Road 6 (C6).

 

“For so many decades, even when I was young, the Pasig River had been synonymous to pollution,” Ang stated. “Many Filipinos have long wanted to clean it and revive it, bring it back to its old glory. There were even high-profile fund-raising projects and similar initiatives to clean it. But unfortunately, not much has changed.”

 

Maari namang maging alternatibong daanan ang PAREX para sa mga pupunta ng Makati, Ortigas, at Bonifacio Global City. (Ara Romero)

Other News
  • Ho nasasabik na sa Pasko

    BUWAN na ng setyembre  kya ramdam na ng dating athlete-TV host na si Gretchen Ho ang Kapaskuhan.   “I have spent the past four years greeting the start of the Christmas season on TV w/ a loud ‘ho-ho-ho’,” ppahayag nitong isang araw sa Instagram account niya ng former Philippine SuperLiga (PSL) at University Athletic Association […]

  • Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban

    Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr.     Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 […]

  • Ads September 6, 2022