• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

₱33M halaga ng imprastraktura at 868 kabahayan napinsala ng lindol sa Abra

TINATAYANG umabot na sa  868 kabahayan sa Cordillera Administrative Region ang napinsala ng magnitude 7 na paglindol na tumama at umuga sa lalawigan ng Abra.

 

 

Bukod dito, may  ₱33 milyong halaga naman ng imprastraktura sa tatlong iba pang rehiyon ang napinsala rin ng nasabing paglindol.

 

 

“There is no estimate yet on the damage to historical sites in Ilocos Region from Wednesday’s destructive earthquake, which left at least four people dead and dozens of others injured,” ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

“We have an initial estimate of damage to infrastructure amounting to ₱33,800,000,” ang sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbalsa isang panayam.

 

 

Sinabi naman ng Department of Education (DepEd) na maaari pang tumaas ang nasabing halaga ng pinsala dahil may  35 eskuwelahan ang napinsala sa naturang malakas na paglindol na mayroong  “reconstruction and rehabilitation cost” na ₱228.5 milyong piso. Ang bilang ani Timbal ng napinsalang eskuwelahan ay pumalo na aniya sa  61.

 

 

Aniya pa, ang rehiyon na labis na naapektuhan ng malakas na paglindol ay ang  CAR at Ilocos, subalit ang ₱33.8 milyong piso ay pagtataya na ang sakop lamang ay ang Ilocos Region, Central Luzon, at Kalakhang Maynila.

 

 

“We have received reports that historic or heritage structures also suffered damages from the earthquake. We haven’t proceeded with the valuation of this infrastructure given that there is a different procedure for historic sites,” ang paliwanag ni  Timbal sabay sabing  “The damage computation does not yet include the historic structures as of this time.”

 

 

Ang mga historical sites gaya ng  Bantay Bell Tower, Vigan Cathedral, ilang heritage houses sa Ilocos Sur, at ilang simbahan sa Abra and Ilocos Norte  ay “either partially damaged or have partially collapsed” kasunod ng malakas na paglindol.

 

 

Samantala, nawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Northern Luzon matapos ang lindol sa Abra.

 

 

Dahil dito, nagpaalala naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga motorista na mag -ingat sa biyahe dahil sa mga naitalang nasirang kalsada bunsod ng mga nangyaring pagguho ng lupa kasunod ng magnitude 7.0 ang lindol sa Tayum, Abra.

 

 

Ayon sa LTFRB, mas makabubuting ipagpaliban muna ang mga biyahe kung di-lubhang kinakailangan dahil sa posibleng maranasang aftershocks.

 

 

Kabilang sa may mga isinarang kalsada ay nasa Baguio City:

  • Kennon road closed to all motorists
  • Marcos Highway one lane passable
  • Benguet-Vizcaya Road closed to traffic
  • Baguio-Bua-Itogon Road closed to traffic
Other News
  • 5 istasyon ng LRT 1-Cavite Extension bubuksan ngayon November

    MAGANDANG balita sa mga pasahero sa southern na lugar ng Metro Manila dahil limang (5) estasyon ng Light Rail Transit Line 1 – Cavite Extension ang bubuksan ngayon katapusan ng buwan.     Ito ay ayon sa balita ng Department of Transportation (DOTr). Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na ang limang estasyon sa Phase […]

  • Dahil aligaga sa promo ng ’Topakk’ ni Arjo: SYLVIA, sa bisperas na ng Pasko makikita ang apo kina RIA at ZANJOE

    SA December 24 na raw makakasama ni Sylvia Sanchez ang kanyang apo kay Ria Atayde at Zanjoe Marudo.     Dahil aligaga si Sylvia sa promo at advance screening ng 2024 MMFF official entry ng Nathan Studios na ‘Topakk’ kaya hanggang Facetime lang daw muna sila ng kanyang apo.     “May sariling bahay kasi […]

  • P102 milyon ng ‘shabu tea’ nasamsam sa Cavite

    TUMATAGINTING na P102 milyon halaga ng shabu ang nasabat at pagkakaaresto sa tinaguriang Drug Lord at distributor ng droga sa buong Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon (CALABARZON) , National Capital Region (NCR at Mindanao) at 2 iba pa sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite.   Kasong paglabag sa Section 5 in relation […]