1 ARESTADO NG NBI SA PAGBEBENTA NG ENDANGERED WOOD SPECIES
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang isang lalaki na naaktuhan na nagbebenta ng endagered wood species na “Agarwood”,isang uri ng kahoy ,ginagamit sa paggawa ng mamahaling pabango,kamakalawa sa may North Fairview,Quezon City.
Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ,nakumpiska ang may 6.46 kilos na agarwood na.may market value na P1,055,557.54 sa suspek na si Rafael Favia.
Nag -ugat ang operasyon ng NBI matapos makatanggap ng intelligence report na may isang grupo ang nagbebenta bg Agarwood. Sanhi nito,nagsagawa ng surveillance
Ang NBI at nang makuha ang contacts number ng suspek ay ikinasa ang buy bust operation.
Nagkasundo ang NBI-EnCD at suspek na bumili muna ng halagang P40,000 ng Agarwood .
Kasama ng NBI-ENCD ,ang ilang tauhan ng DENR-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) at DENR-National Capital Region (DENR-NCR) nang magtungo sa lugar para sa entrapment operation.
Dalawang undercover agent sng umaktong buyer at.kalaunan ay dumating si Fabian sakay ng van at ipinakita sa undercover agent ang bulto ng agarwood.
Sa puntong ito ay inaresto na si Fabia at nakumpiska ang aabot umano sa P10,555,575.40 ang kabuuang danyos na kumakatawan sa Environmental Fee , forest charges at environmental damages ng forest products at pagdadala nito ng walang permit na 10 beses na mas malaki sa market value ng nakumpiskang Agarwood.. Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 77 (formerly Section 68) of P.D. 705, as amended by E.O. 277 and R.A. 7161, kilala bilang “Wildlife Forestry Code of the Philippines; at violation of Section 27 (e) and (f) of R.A. 9147 otherwise known as “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” sa Quezon City Prosecutor Office si Fabia. (GENE ADSUARA)
-
Game fixing malala sa dalawang liga sa bansa
SINIWALAT kamakailan ng dating player ng Philippine Basketball Association o PBA na si Gerald ‘Gerry’ Esplana, na malala ang game fixing sa dalawang liga sa bansa. Ito aniya ay sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL at sa National Collegiate Athletic Association o NCAA. Naging coach ng Valenzuela City sa MPBL at sa […]
-
Ads September 17, 2022
-
Pamamahagi ng fuel subsidy sa jeepney drivers, umarangkada na – LTFRB
Nagsimula nang magkaloob ang pamahalaan ng fuel subsidies na may halagang P1 bilyon para sa may 136,000 driver ng pampasaherong jeep upang maibsan ang epektong dulot sa patuloy na pagtaas ng halaga ng petroleum products. Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ‘Pantawid Pasada Fuel Program’ (PPP) […]