• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 compound sa Navotas, 2 linggong ni-lockdown

ISANG compound sa Lungsod ng Navotas ang isinailim sa dalawang linggong lockdown matapos magkaroon ng apat na residenteng nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, nagsimulang ipatupad ang lockdown sa compound sa Manalaysay St., Brgy. San Roque alas-8:01pm January 25, 2021 hanggang 11:59pm ng February 8, 2021.

 

 

Layon nito mapigilan ang hawaan ng virus sa lugar kung saan nakapagtala rin aniya ang lungsod ng13.46% growth rate sa mga kaso nito sa pagitan lamang ng dalawang lingo.

 

 

May 13 namang mga close contact na dinala na sa isolation facility ng lungsod habang bibigyan naman ng mga relief packs ang mga residenteng apektado ng lockdown.

 

 

“Mag-iisang taon na po ang problema natin sa COVID-19 pero di po tayo magsasawang magpaalala na dapat sundin natin ang safety measures: pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng mga kamay, pagdistansya ng 1-2 metro mula sa iba, at pananatili sa bahay hanggang maaari. Sa ating pakikiisa, matatapos din ang pandemya”, paalala ni Tiangco.

 

 

Sa ulat ng City Health Office as of January 26, 2021, umabot na sa 5,594 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 79 dito ang active cases habang nasa 5,342 na ang mga gumaling at 173 naman ang mga namatay sa naturang sakit. (Richard Mesa)

Other News
  • Face shield hindi na mandatory sa mga pampublikong transportasyon

    Pinagbigay alam ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga pampulikong transportasyon tulad ng public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs), Metro Rail Transit 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1 & 2, at Philippine National Railways (PNR).     Sa ilalim ng Alert Level 3 […]

  • MYRTLE SARROSA, REMAINS SISTERS’ CELEBRITY AMBASSADOR

    2020 may be a hard year, but Myrtle Sarrosa and Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners are even tougher, as they continue to forge their bond stronger, with the actress signing up for the third time as the brand’s celebrity ambassador.   Myrtle was still a college student when she was first chosen by Megasoft Hygienic […]

  • P6K fuel subsidy sa jeepney at tricycle operators

    TARGET  ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  na makapagbigay ng P6,000 fuel subsidy sa mga operator ng pampasaherong jeep at tricycle sa susunod na buwan ng Agosto.     Sa QC forum, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na plano nilang ibigay ang naturang subsidy upang makatulong sa naturang mga operators sa tumaas na […]