• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 Pinoy nakaligtas sa lumubog na cargo ship sa Japan

Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng Japanese coast guard sa paglubog ng isang cargo ship sa karagatang bahagi ng Amami Oshima island, Huwebes ng gabi.

 

Nailigtas nila ang isang 45-anyos na chief officer ng barko na si Eduardo Sareno habang hinahanap pa nila ang 38 iba pang tripulanteng Pinoy.

 

Ayon sa nakaligtas, agad itong nagsuot ng life vest matapos na marinig nito ang warning sa barko.

 

Base sa inisyal na imbestigasyon nagkaaberya ang makina nito at nahampas pa ng malakas na alon na sanhi ng pagkalubog nito.

 

Nagtulong-tulong na ang tatlong coast guard vessels, limang eroplano at special trained drivers.

 

Ayon sa ulat, patuloy ang search and rescue ng Japanese coast guard sa barko na may sakay na 42 crew members at livestocks o mga hayop.

 

Sa nasabing crew, 38 ang mga Pinoy, 2 taga-New Zealand, at dalawa mula sa Australia.

 

Sa pinakahuling ulat, isang Filipino na ang na-rescue ng Japanese navy P-3C surveillance aircraft.

 

Ang 11,947 toneladang Gulf Livestock 1 ship ay may lulan na 5,800 na baka, ay nasa west ng western coast ng Amani Oshima  sa East China Sea nang mag-distress call noong Miyerkules ng umaga. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 23, 2023

    adsmar_232023

  • Gawilan lalangoy, pasok sa Tokyo Para Games

    MAY panlaban rin ang Philippine Team sa 2020 Tokyo Para Olympics matapos makasungkit ng slots si swimmer Ernie Gawilan matapos maabot ang kinakailangang puntos para mapasabak sa quadrennial meet na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 6.   Nakalap ni Gawilan ang Olympic points bunsod nang matikas na kampanya sa 2018 Asian Para Games sa […]

  • PNP Cavite, palaisipan sa kaso ng pari na natagpuang nakagapos sa loob ng kotse

    PATULOY  pang iniimbestigahan ngayon ng Cavite Police Provincial Office ang motibo kaugnay sa isang parish priest na natagpuang nakagapos sa loob ng kotse.     Una rito, natagpuan araw ng Linggo sa Silang, Cavite ang pari na naiulat na ilang araw ng nawawala o missing.     Ayon kay Silang chief of police, Lt. Col. […]