• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 SA 2 SUSPEK SA PANGANGARNAP AT TANGKANG PAGPATAY SA CARPOOL DRIVER, ARESTADO

TIMBOG ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isa sa dalawang suspek sa pangangarnap at tangkang pagpatay sa 28-anyos na carpool driver na binigti at pinagsasaksak sa loob ng minamanehong Toyota Hi Ace van ng biktima.

 

 

Kinilala ni PLT Robin Santos, hepe ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS) ang naarestong suspek na si Diomedes Saquillo Jr., alyas “Jonel Saquillo” ng Bacoor City, Cavite habang pinaghahanap pa ang kasama niya na kinilala lang sa alyas “Migs”.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, nangyari ang insidente sa Barangay Parada, Valenzuela City noong Enero 18, 2022.

 

 

Nag-‘book’ umano ang mga suspek sa ‘carpool’ mula sa lalawigan ng Quezon patungong Valenzuela City at pagdating sa Barangay Parada ay tinutukan ng baril, binigti at pinagsasaksak ng mga ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

 

 

Inakala ng mga suapek na wala ng buhay ang biktima matapos magpanggap na patay kaya dinala siya at basta na lamang iniwan ng mga salarin sa isang liblib na lugar sa San Pedro Laguna saka tinangay ang kanyang sasakyan.

 

 

Sa pamamagitan ng GPS ay agad namang narekober ang sasakyan ng biktima sa isang lugar din sa San Pedro Laguna.

 

 

Ayon kay Santos, personal na nag-report sa Valenzuela police ang isang taong tumulong sa biktima at iniulat nito na dinala niya ito sa ospital at kasalukuyan aniyang nasa Intensive Care Unit.

 

 

Kaagad nakipag-ugnayan ang Valenzuela Police SIU sa pamumuno ni P/Major Albert Juanillo sa mga police station ng Laguna police at lalawigan ng Quezon kung saan nakakuha sila ng mga kaukulang detalye.

 

 

Napag-alaman din ng pulisya na si Saquillo ay may ‘warrant of arrest’ sa kasong Estafa (5 counts) na ipinalabas ng Dasmarinas City, Cavite noong September 20, 2021.

 

 

Sa masusing imbestigasyon, nagawang matunton ng mga tauhan ng Valenzuela Police SIU at WSS ang suspek sa C5 Bonifacio Global City, Taguig City na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya sa pamamagitan ng pagprisinta ng nasabing warrant of arrest at narekober sa kanya ang susi ng sasakyan ng biktima.

 

 

Nahaharap si Saquillo sa mga kasong Frustrated Murder, Robbery with Serious Physical Injuries, at Qualified Carnapping. (Richard Mesa)

Other News
  • 4 na empleyado, ayaw mag-overtime, ikinulong sa loob ng warehouse

    INARESTO ang dalawang Chinese national at may-ari ng isang kumpanya matapos na ireklamo ng mga empleyado nito na “ikinulong” sa loob ng kanilang warehouse upang mapilitang mag-overtime sa Kawit, Cavite.   Kasong illegal detention ang isinampa laban kina Qinghui Qui, 37 at Bin Chen, 32, kapwa Chinese national at Operations Manager ng Dan Chang Company […]

  • Nagbigay ng Certificate of Commendation si Sec. Ernesto V. Perez

    PERSONAL na ipinagkaloob ni Sec. Ernesto V. Perez, Director General ng  Anti-Red Tape Authority (ARTA) kay Mayor John Rey Tiangco ang certificate of commendation na igiwad ng ARTA sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagiging isa sa mga huwarang Local Government Units (LGUs) para sa matagumpay na pagpapatupad ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) ng Business Permits and […]

  • Game fixing batas lang ang katapat – Duremdes

    PANGARAP ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes na masugpo ang matagal nang nagaganap na iba’t-ibang uri ng game-fixing partikular sa sport. Kaya lang, aniya ay sadya mahirap papatunayan at makakuha ng mga ebidensiya laban sa mga sangkot upang mapanagot ang mga may sala.   Ayon nitong isang araw sa dating Philippine Basketball […]