• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 TODAS, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL SA NAVOTAS

NASAWI ang 39-anyos na mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan naman ang isang tsuper nang tamaan ng ligaw na bala sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Marlon Jorje ng 478 B Cruz. St. Brgy. Tangos South habang nilapatan naman ng lunas sa nasabing pagamutan si Noey Bacaycay, 56 ng B. Cruz St. na tinamaan ng bala sa kaliwang paa.

 

 

Sa ulat na tinanggap ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, naglalakad sa kahabaan ng Dulong Tangos St. patungong pondohan dakong alas-2:30 ng hapon si Bacaycay nang masalubong niya ang tumatakbong biktima habang hinahabol ng isang lalaking armado ng baril na nakasuot ng itim na t-shirt at itim na bonnet.

 

 

Sinabi ni Bacaycay sa pulisya na biglang nagpaputok ng dalawang sunod ang suspek at nagulat na lang siya nang duguang bumulagta sa kanyang harapan ang biktima habang naramdaman din niya ang pagtagas ng dugo sa kaliwa niyang paa.

 

 

Matapos nito, tumakbo patakas ang suspek patungo sa pondohan habang isinugod naman ang mga biktima sa naturang pagamutan ng mga nagrespondeng opisyal ng barangay at pulisya.

 

 

Iniutos na ni Col. Ollaging ang pagtugis sa salarin habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa upang matukoy ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30, magpapartisipa sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa Nov. 20

    MAGPAPARTISIPA si Pangulong  Rodrigo Roa Duterte sa  online meeting ng  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa darating na Biyernes, Nobyembre 20  habang ang mundo ay  nakikipaglaban sa  economic fallout  sanhi ng COVID-19 pandemic.   Ito ang magiging kauna-unahan na ang APEC Economic Leaders’ Meeting ay gagawin “virtually.”   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na […]

  • FIERCE FIGHTERS: INTRODUCING THE WOMEN OF “DUNGEONS & DRAGONS”

    FEARLESS forecast from Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves producer Jeremy Latcham: Michelle Rodriguez’s Barbarian warrior Holga Kilgore is “going to be someone fans will really fall for.”  [Watch the film’s Final Trailer at https://youtu.be/XyTz-RRzrXg] MICHELLE RODRIGUEZ (HOLGA THE BARBARIAN) Famed for her work as Letty in the Fast & Furious films, Rodriguez possessed the […]

  • Malakanyang, hindi kukunsintihin ang mga indibidwal na nag-LGU hopping para magpa-booster shot

    TINIYAK ng Malakanyang na hindi nila kailanman kukunsintihin ang mga taong nag-LGU hopping para makakuha ng booster shot.   Ani Sec. Roque, marami pang hindi nababakunahan bukod pa sa illegal ang ganitong hakbang.   “So ang pakiusap natin, lahat naman ng bakuna ay nagbibigay proteksiyon, so hintayin muna natin magkaroon ng bakuna ang karamihan ng […]