• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 utas, 2 sugatan sa pananaksak ng lasing na lalaki sa harap ng resto bar sa Navotas

NALAMBAT ng pulisya ang isang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, Martes ng umaga.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas “Edsel”, nasa hustong gulang at residente ng Blk 33, Lot 9, Area 2 Brgy. NBBS Dagat-dagatan.
Lumabas sa imbestigasyon na nag-iinuman ang mga biktimang sina  alyas Jan, 28, alyas Darwin, 21, at alyas Lean, 21, sa Hangout Resto Bar sa Brgy. NBBN nang magsimula umanong magpamalas ng karahasan ang suspek na umiinom naman sa kabilang mesa.
Nang pauwi na ang mga biktima dakong alas-6:45 ng umaga, hindi sinasadyang nasagi ni ‘Jan’ ang suspek na pasuray-suray na rin umanong palabas ng bar dahil sa kalasingan na dahilan upang magkaroon sila ng pagtatalo.
Umawat naman sina ‘Darwin’ at ‘Lean’ subalit, biglang bumunot ng patalim ang suspek at walang habas na pinagsasaksak ang tatlo bago mabilis na tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.
Isinugod naman ang mga biktima sa Tondo Medical Center subalit, idineklarang patay na si ‘Jan’ habang patuloy pang ginagamot ang dalawa niyang kasama.
Kaagad na iniutos ni Col. Cortes ang pagtugis sa suspek at sa ginawang follow-up operation nina P/Capt. Archie Arceo, Commander ng Police Sub-Station 3, ay naaresto siya malapit sa kanyang tirahan.
Sasampahan ng kasong pagpatay at dalawang bilang na bigong pagpatay ang suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
Other News
  • Sen. Bong, aware sa ‘di pagri-renew ni Janine sa GMA-7

    AWARE si Senator Bong Revilla na sa hindi pagre-renew ng GMA-7 sa kontrata ni Janine Gutierrez, may ilang ispekulasyon na kesyo mas pinaboran ng GMA si Senator Bong over Janine.   Na ang puno’t-dulo ay nang mag-comment si Janine sa kanyang Twitter account nang “Oh God” sa anunsiyo ng GMA na comeback show ni Sen. […]

  • 2 WANTED SA MURDER, TIMBOG NG MARITIME POLICE

    NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang lalaking wanted sa kasong murder matapos masakote ng mga tauhan ng Maritime police sa magkahiwalay na operation kontra wanted person sa Navotas at Quezon cities.     Kinilala ni Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Noe Alaquiao alyas “Utoy”, […]

  • Seguridad para sa ‘pilot’ face to face classes, maaasahan – PNP

    Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na plantsado na ang seguridad para sa pilot implementation ng face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na nagsimula, December 6.     Ayon kay PNP Chief, Police General Dionardo Carlos, mayroon silang listahan ng mga kasaling paaralan kung saan aasahan ang deployment ng kanilang mga police personnel.   […]